++++
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa text na natanggap ko. At kinabukasan ay hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa mga kaibigan ko ang nangyari kahapon o ititikop ko nalang ang bibig. I don't want to be a bother. Pero isang tao lang ang gusto kong pagsabihan ng text, it's Kuya Ren. Siya lang naman ang kasama ko ng nangyari ang barilan kaya dapat kong sabihin sa kanya diba? At ayokong mag-alala ang mga magulang ko kung sasabihin ko pa sa kanila.
"Are you okay?" Bigla akong natauhan ng magsalita si Flith sa harapan ko. Ngayon ang alis niya para hanapin ang nawawalang asawa. He called me early in the morning, telling me that he's going to find her wife. Hindi na ako nakareact ng maayos dahil sa nangyari kahapon dagdagan mo pang wala akong gaanong tulog dahil sa text na natanggap ko kinagabihan.
"I'm fine. Mag-iingat ka ha?"
Ginulo niya ang buhok ko dahilan ng pagsimangot ko. Ugali niya talagang papangitin ako.
"I will. Hahanapin ko lang ang asawa ko. I can't loose her, you know that," he said, and a weak smile appeared on his handsome face. Kinurot ko ang pisnge niya at inistretch iyon.
"Tsk. Huwag ka ngang mag-emo diyan! Umalis ka na, bago pa kita agawin sa babae mo. Sige na!"
He chuckled. Joke ko lang naman iyon. Kahit gusto ko ang lalaking ito ay hinding-hindi ko magagawang agawin siya sa asawa niya. At saka isa pa, hindi kami ang may forever.
"Yeah. Yeah. Bye."
He kissed my forehead.
"Mag-ingat ka palagi Sy. Bye."
Tumango ako.
"Oo na. Umalis ka na!" taboy ko sa kanya. Tatawa-tawa naman itong tinalikuran ako. He waved his hand kaya kinawayan ko din siya. Mamimiss ko ang baliw na iyon.
Tumalikod na ako at hinayaan siyang makapasok sa airport. Hinatid ko siya dahil iyon ang request niya. Hindi ko naman siya matanggihan dahil sa pangungulit nito. Pero okay na din dahil kahit papaano ay nawala ang bagabag sa isipan ko.
Bago ako makapasok sa kotse ay nagtext si Flith. And all I could do is to shook my head. Kahit kailan talaga.
:Its Ren. Siya ang tinutukoy ko. Love him. Okay?
Love him. I smiled. Hindi ko na nagawa pang magreply dahil hindi ko naman alam ang irereply. What should I say, anyway?
Habang nagdadrive pauwi ay napansin kong may sumusunod sa akin. Kahit medyo may kalayuan may kutob akong ako ang sinusundan niya. Niliko ko ang sasakyan at sa ibang rota dumaan. At doon ako napamura ng lumiko din ito. Really huh?
Binilisan ko ang pagpapatakbo at panay ang tingin ko sa rear view mirror ng sasakyan ko. Napapamura nalang ako kapag sobrang lapit na nito. Naiinis na'ko sa ginagawa niya dahil parang sinasadya niyang tuksuhin ako. Lumalapit siya tapos lumalayo. Wala sa sariling hininto ko ang sasakyan at binuksan ang windshield. At doon nangunot ang noo ko ng makita ang babaeng minsan ng nakasama ni Kuya Ren. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito si Galdyz a.k.a imma-girl.
Ngumisi ito bago bumati.
"Hey!"
Naningkit iyong mata ko. I'm not a kind of girl na madaling mainis sa taong hindi ko gaanong kakilala pero itong babaeng ito mukhang sinusubukan niya ang pasensya ko.
"Anong kailangan mo?"
"Race!" she said. Napataas ang kilay ko.
"Scared?" she said again.
BINABASA MO ANG
Love Caution
ActionLOVE is not controlled by feelings. It does not do anything it feels. CAUTION is not created to warn everyone. It is care taken to avoid danger, risk and pain. Story of how Syren Shane Zenberg take good care of her heart and how she will protect it...