Chapter 12

216 15 0
                                    

+++++

Papasok palang ako ng classroom ay rinig na rinig ko na ang pinag-uusapan nila. Kahit nakita na nila yata akong nasa hamba ng pintuan ay hindi parin sila tumitigil.

"Akala ko talaga mabait siya iyon pala pakitang tao lang. Gusto ko pa naman sana siyang maging kaibigan kaso natatakot na'ko sa kanya," I heard Ivy said, one of my block mates.

Ako ba ang tinutukoy niya? Kung oo, bakit siya matatakot sa akin? Inaano ko ba? Ni hindi nga kami masyadong nag-iinteract tapos kung makapagsalita siya tungkol sa akin ay parang kilalang-kilala niya na'ko?

I scoffed. As far as I remember I am being nice to them. I tried my very best to be good but I think it's still not enough? They still thought that I am a bad person. Seriously? Mahilig talaga silang mag-judge ng tao.

"Ako rin. Hindi ko aakalain na killer pala siya," Via said, as she looks at me.

Naningkit iyong mata ko. What? Kailan ako pumatay ng tao? And what were they talking about? The hell?!

"Sino kaya 'yong pinatay niya noh? Kawawa naman. Akala ko talaga noon, haka-haka lang iyong balita tungkol sa kanya na masama siya, na maldita siya iyon pala totoo. I saw her yesterday, tinatarayan ang isang babae. Hindi ko alam kung sino pero tama na para malaman kong salbahi pala siya."

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa sinabi na iyon ni Ivy. She already judge me for what she saw. Hindi niya inalam kung sino ang tinatarayan ko at kung anong kasalanan nito. Siguro nakita niya kami ni imma-girl kahapon. Gustuhin ko mang sumabat sa usapan nila pero hindi ko sila pagkakaaksayahan ng panahon. Para ano? I don't need to explain my side sa mga taong makikitid ang utak.

"Hay. Ewan. Mas maigi pa sigurong lumayo nalang tayo sa kaniya, sa kanila. Delikado kasi silang kaibiganin. At isa pa, hindi ko sila feel. Masyado silang ewan sa totoo lang. Mga weirdos gano'n."

I compose myself at nagtitimping inayos ang damit. Naiinis na ako sa mga naririnig ko. Sumusobra na kasi sila. Hindi ko man alam ang sinasabi nilang killer ako pero tama ba naman na pati kaibigan ko ay sabihan nilang weirdos? Parang gusto ko ngayon hambalusin ang kaklase kong ito but I prefer to shut my mouth and listen to their conversation.

Ayaw kong mas matakot pa sila sa'kin. Gusto kong maging mabait sa harapan nila dahil gusto ko hindi dahil sa gusto kong makuha ang loob nila. I want to be nice to everyone as much as possible. Pero sila din mismo ang sumasagad sa pasensya ko kaya nagiging halimaw ako.

Nang hindi na sila nag-uusap napagpasyahan kong pumasok na sa loob ng classroom. Hindi sila makatingin sa akin ng maayos at parang takot na takot sila. Sino ba naman kasing hindi matatakot diba? Akala nila killer ako. I want to laugh out loud. Nakakatawa sila.

"I-Iv, C.R muna ako. G-gusto mong sumama?"

As if na tanong nito kay Ivy. Alam ko namang ginawa niya lang iyon para makaalis sa classroom. Napailing ako. Mga tao nga naman!

"Tara!"

Nakita ko pa ang bahagyang pagsulyap ng dalawa bago lumabas ng classroom.

"Hindi ko talaga siya feel. Swear," rinig kong sabi ni Ann.

Nagtitimping bumuntong hininga ako. I closed my fist dahil sa inis na namumuo sa buong katawan ko. Hindi pa nila ako kilala ng lubusan kaya huwag nila akong subukan dahil baka maging killer nga ako sa paningin nila.

*****

Hapong-hapo ako habang nililibot ang buong campus. Narinig ko lang ang balita tungkol sa mga kaibigan ko. Kaya pala sinabihan ako nina Ivy, Via at Ann na killer dahil ito ang kumakalat sa buong campus.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon