++++
Inayos ko ang damit ko bago lumabas ng kwarto para puntahan sina Mama, Papa at Savanah sa baba. Kanina pa nila ako hinihintay dahil ako yata ang pinakamatagal mag-ayos sa kanila. Kailangan kasi maganda ako paglabas ko ng kwarto ko, kailangan okay ang damit ko, kailangan sexy; probably perfect. Ito dapat ang magiging kalabasan ng pag-aayos ko bago lumabas ng kwarto dahil gusto ko maganda ako kapag nakita ko siya at nakita niya ako. Para sabihin niya sa sarili niya na, 'sayang pinakawalan ko pa' diba? Para naman marealize niya na sobrang laki nang nawala sa kanya. At syempre para ipakita din sa pesteng lalaking iyon na hindi siya kawalan. Na kaya kong maging okay kahit na may iba na siya. Na kahit ipinagpalit niya ako ay kaya ko parin ang sarili ko. Na hindi ako naghihinagpis sa pagpapaasa niya sa'kin.
Peste!
Sa tuwing naiisip kong may fiance na siya ay kumukulo iyong dugo ko. Sana ininform niya ako, sana binigyan niya ako ng signal! Sana sinabi niyang, 'Sy, huwag ka ng maghintay dahil may iba na'ko'.
Nakakainis! Akala ko mahal niya ako to the extent na kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sa'kin pero peste siya--nagawa niya parin akong ipagpalit sa iba. Oo, alam kong ilang taon kaming hindi nagkita pero sana ikinonsidera niya rin ang mararamdaman ko diba? Sinabi niyang maghihintay ako tapos na naghintay ako ito ang mapapala ko? Ang saklap din.
"Anong meron sa mukhang iyan? Akala ko ba hindi ka mahina?" sabi ni Savanah sa'kin kaya umayos ako ng tayo. I sighed. Okay. Naalala ko lang kasi ang pesteng insektong iyon and at the same time kinakabahan ako. Pupunta kami ngayon sa bahay nina Tita Mrie at Tito Daryll dahil mayroon daw celebration, specifically, welcome celebration niya.
Kadadating lang niya kahapon at gusto ko sana siyang sunduin sa airport kaso lang pinigilan ako ng magaling kong kakambal. Hindi ko daw dapat gawin iyon kasi babae ako at isa pa hindi naman daw kami.
Wala akong nagawa kundi ang magmukmok sa kwarto ko at mag-isip ng kung ano-ano. Balita ko kasi kasama niya iyong fiance niya.
Maganda kaya ito? Siguro.
"Relax twinny. Masyado kang tense," she said again.
"Yeah-yeah. Whatever."
Sabay kaming dalawa sa isang sasakyan samantalang sabay naman sina Mama at Papa sa kabilang sasakyan. Kaming dalawa lang ngayon ang magkasama ni Savanah at siya ang kasalukuyang magda-drive. Kung ako baka mabunggo lang kami dahil hindi maayos ang takbo ng utak ko.
Nakadress kaming dalawa ngayon dahil hindi naman magarbong party ang inihanda nina Tita Mrie kay Ren. Iyong simple lang pero masaya. I'm wearing my dress na binili ko sa divisoria. A red dress probably na fit sa'kin para makita ang kurba ng katawan ko. And yes. Marunong na akong magtipid ngayon dahil kay Boyet. Siya ang sumama sa'kin para sa pagpili ng damit na ito at infernes dahil ang galing niyang pumili, nakatipid pa'ko.
And now, sobrang kinakabahan ako dahil for three years ngayon lang ulit kami magkikita. Parang kailan lang noong nagkahiwalay kami, ngayon magkikita na naman kami pero ang masaklap lang iba na ang tinitibok ng puso niya, hindi na'ko.
I sighed again and closed my fist. My hands were shaking. I'm so damn nervous right now kung alam lang ni Savanah. Iyong tiyan ko nag-aalburuto na parang hindi ako mapakali. Swear! Para akong natatae.
"We're here."
Nahigit ko ang hininga ko pagkatingin ko sa labas ng sasakyang ito. Parang ayaw ko na tuloy bumaba dahil sa sobrang kaba pero nagulat ako ng higitin ako ng pesteng kong kakambal.
"Damn Sav, mapapatay kita!" I shouted. She rolled her eyes while holding my hands tightly.
"Whatever. Nandito kana kaya panindigan mo," she said. I sighed again for the third time.
BINABASA MO ANG
Love Caution
ActionLOVE is not controlled by feelings. It does not do anything it feels. CAUTION is not created to warn everyone. It is care taken to avoid danger, risk and pain. Story of how Syren Shane Zenberg take good care of her heart and how she will protect it...