Chapter 49

208 15 1
                                    

+++++

"Anong ginagawa ng damit na ito sa kwarto ko?" tanong ko kay Savanah.

Pagkagising ko kasi ito na agad ang bumungad sa'kin. Ang wedding gown na nakita ko kahapon sa isang boutique. Talagang dinisplay pa sa kwarto ko suot ng isang mannequin.

"Aba ewan ko. Hindi mo ba binili 'yan kahapon?"

"No. Bakit ko naman bibilhin 'yan e hindi naman ako ikakasal?" I said to her. She shrugged na mukhang wala talaga siyang alam.

"Sino ba ang nagpapasok niyan dito?" Inis na tugon ko.

"Ako. Malay ko ba? Nakadeliver sa'yo." I rolled my eyes to her. "Ibalik mo 'yan sa boutique na pinuntahan natin kahapon. Baka nagkamali lang sila ng delivered."

"Huwag na! Bakit mo pa ibabalik e nandito na 'yan sa bahay? Hayaan mo nalang diyan kung ayaw mong suotin. Hindi ka naman inaano ng gown na 'yan," sabi niya sa'kin. Napailing ako. Hindi nga ako inaano pero ang feeling na sa tuwing nakakakita ako ng wedding gown ay naiinis ako at kumukulo ang dugo ko. Nagiging bitter ako! Naaalala ko lang siya!

"Tsk. Lumabas ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya. Pagkalabas nito ay lumapit ako sa wedding gown na ito. Hinawakan ko at hinaplos ang damit. At may napansin akong isang card sa loob nito kaya kinuha ko.

I hope you wear this on our wedding day.

Ito ang nakasulat. Nangunot 'yong noo ko. Malakas ang pakiramdam ko na mali ang pinadalhan ng boutique na iyon. Hindi naman kasi ako ikakasal. I wish pero mukhang malabo namang mangyari.

Tinawag ko ulit si Savanah at pinuntahan siya sa kwarto niya. Naabutan ko siyang may kausap sa kanyang telepono.

"Sav," tawag ko dito. Mabilis na binaba niya ang tawag at hinarap ako. "Ano na naman?" inis na tanong nito. Bakit ba ang init ng ulo nito? Inaano ko ba siya?

"Sino kausap mo?"

"Si Ren. Bakit?"

Nangunot 'yong noo ko. Nag-uusap silang dalawa? Kailan pa?

"Nothing. Gusto ko lang sanang tanungin kung may number ka ba ng boutique na pinuntahan natin kahapon? I just want to ask them if who is the sender." She raised her eyebrow.

"Ask Mama. She's the one who signed. Ako lang ang nagdala dito sa taas."

Napakibit balikat ako. "Okay, thanks."

Lumabas ako ng kwarto niya at hinanap si Mama sa baba. Pero hindi ko ito makita ganoon din si Papa. Maaga ba silang umalis na dalawa?

"Let's eat."

"Ay kabayo!" Napatalon ako sa gulat ng bumungad si Ren sa harapan ko na may bitbit na pinggan na may laman na omelette at bacon. Nangunot ang noo ko hindi dahil sa nandito siya kundi dahil sa suot niyang apron na kulay pink. Seriously? Sa dinami-dami ng apron na isusuot itong kulay pink pa? What's with him anyway at nandito siya sa bahay?

"Anong ginagawa mo dito?" inis na sabi ko. Kanina lang magkausap sila ni Savanah ngayon nandito siya at may hawak na pinggan? Ano 'yon nag multitasking siya? Nagluluto habang may kausap sa kanyang telepono?

"Preparing for your breakfast?" he said, questioning me. Napataas ang kilay ko.

"You don't need to do that. Kaya kong maluto ng kakainin ko," sabi ko at akmang tatalikuran siya pero nagsalita ito. "Saan ka pupunta? You should eat," sabi niya. Umingos ako. Bakit ba siya nandito? Bakit ba hindi nalang siya umalis at puntahan si Kwen?

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon