Chapter 39

172 12 5
                                    

+++++

Pauwi palang kami ngayon ni Ren pagkatapos ko siyang igala dito sa San Miguel, Iloilo. Magkaholding hands kaming dalawa habang naglalakad. Nakangiti kaming dalawa pero nawala lang ang ngiting iyon ng makita ko ang taong naging dahilan kung bakit ako nasaktan noon, kung bakit kami pinaglayo ni Kuya.

"Nak..."

Si Mama. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Ren sa'kin. Napatingin ako sa likod ni Mama at doon lumitaw si Papa kasama ang GRANDFATHER ko daw.

"Anong ginagawa ninyo dito?" sabi ko sa kanila. Pero hindi ko na nahintay ang sagot nila ng marinig ko ang boses ni Boyet sa loob ng bahay. Para itong may kaaway. Mabilis na pumasok ako sa loob at nagulat ako ng makitang hawak ngayon ng mga bodyguards ni Lolo sina Boyet at Jelyn.

"Ate SS!" tawag ni Jelyn sa'kin.

"Bitawan niyo siya!" I shouted. Pero hindi sila nakinig sa'kin. Tiningnan ko sila ng masama pero hindi sila nagpatinag at binaliwala lang ang pagkakatingin ko sa kanila.

Ito na ba ang kinakatakutan ko? Ang madamay sila sa gulo? At anong ginagawa nila dito?

Binalikan ko sila sa labas na apat. Pero napahinto ako sa sinabi ni Ren sa kanila.

"Are you here to make us suffer again Mommy Polkadots and Daddy Jeth?" tanong ni Ren dito. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kirot. Kirot na nagmumula sa puso ko na parang sinasaksak ng ilang milyong katao.

Akala ko ba okay na? Akala ko ba kapatid ko nalang ngayon ang may problema? Bakit taliwas lahat sa sinabi ni Insan ang nangyayari ngayon?

Naghintay ako sa isasagot nila Mama at Papa pero hindi sila nagsalita. Nanatili silang tahimik kaya't si Lolo nalang ang sumagot sa tanong ni Ren.

"Nandito kami para bisitahin ang apo ko." Pero hindi pa pala tapos ang sasabihin nito. "And we're here para papirmahin kayo ng annulment paper ninyo."

Nahigit ko ng todo ang hininga ko at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla nalang pumatak iyong luha ko. Damn! Seryoso ba sila?

I laughed.

"Wow! Ang galing!" I shouted in disbelief. Pumalakpak pa'ko dahil sa sobrang pagkadismaya.

Sana pala hindi ko nalang siya pinapunta dito. Sana pala--peste!

Tumakbo ako palayo sa kanila. I heard them called my name but I didn't bother to turn my gaze. So kahit ngayon parin pala ay ang unfair nila?

Akala ko nagbago na sila pero bakit nandito parin sila para saktan ako? Bakit ba ayaw nila akong tantanan? Bakit ba ayaw akong tigilan ng kapatid ko? Bakit ba hindi nalang siya magmahal din ng iba?

Mahal niya nga ba si Ren? O ginagawa niya lang ito para saktan ako at pagdusahin?

Mabuti pa iyong buhay ko dito ng hindi pa nila ako nahahanap. Kahit ganoon ay nakakalimutan ko iyong sakit na ginawa nila.

Isang panandilaang saya pero babawiin rin pala. Bakit ganito sila? Bakit?

Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Papa. Sumunod pala siya? Tumawa ulit ako ng mapakla.

"Young lady..."

Hinarap ko siya.

"Bakit Pa? Bakit niyo ginagawa ulit ito? Okay na e, okay na kami kanina pero ng dumating kayo ay napalitan iyong saya ng sakit. Pa, ngayon lang ulit kami nagkita. For three months. Iyong kasal nalang namin ang pinanghahawakan ko para hindi siya mawala sa'kin. Na kahit gaano pa ako katagal bumalik at magpahinga alam kong may babalikan pa'ko kasi alam kung akin lang siya dahil kasal kaming dalawa! P-pero bakit ngayon kukunin niyo pa? Bakit Pa?" I said to him. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Umiyak ako sa mga bisig niya.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon