+++++
Kanina ko pa tinatangkang kunin ang lubid sa kamay at paa ko pero hindi ko magawa dahil ang higpit ng pagkakatali ni Papa dito. Ganoon din ang bruha kong kapatid, ginapos din dahil sa katigasan ng ulo namin.
Paano ba naman kasi nahuli nila kaming nagsusuntukan na dalawa at pinagtatapon ang mga gamit kung saan-saan kaya ito ang nangyari sa amin. Napuno na yata ang mga magulang namin dahil sa araw-araw na pag-aaway namin.
It's already years pero wala paring progress, parang aso't pusa parin kami ng kambal ko. But somehow, may nakikita rin akong kabaitan sa kanya kaso nga lang hindi niya ipinapakita in public. Shy type siya eh. At palagi kong nakikita na magkasama sila ni imma-girl. Siguro ay magkaibigan silang dalawa. Well, I don't care.
"Kasalanan mo 'to!" she shouted.
I just rolled my eyes to her. It's not my fault. Hindi ko kasalanan kung burara siya at kung saan-saan niya inilalagay ang mga panty at bra niya. Pinagkamalan pa akong kinuha ko daw.
Aanhin ko naman ang mga undergarments niya? Hindi kami magkasize dahil mas sexy ako sa kanya.
Kung hindi niya sana tinapon ang cellphone ko wala sana kami dito. Maldita rin kasi kaya ayan! Itapon niya na lahat huwag lang ang cellphone ko dahil may hinihintay akong tawag o mensahe.
Ilang taon na siyang hindi nagpaparamdam sa'kin pero kahit gano'n ay naghihintay parin ako. I don't care if it's already three years now. I don't care if I wait too more years. The important thing is babalik siya, babalikan niya ako. Ito lamang ang pinanghahawakan ko kasi sinabi niyang maghihintay ako.
"Hindi ba talaga kayo titigil? Sumusobra na kayong dalawa!" sigaw ni Mama.
Hindi ako nagsalita at yumuko lang ako.
Pagkadating ko sa bahay na ito ay araw-araw silang bumabawi ni Papa sa ginawa nila sa akin. I tried to ignored them pero masyado talaga silang ma-effort na ibalik ang loob ko sa kanila. They really felt sorry for what happened kasi naipit lang sila. Hindi rin naman daw nila gusto ang ginagawa ng kapatid ko pero hindi rin naman ito nakikinig kapag sinasabihan nila. Nakipagsunduan pa ang kambal kong ito para lang hindi na ako habulin ni kamatayan.
Ang sabi nila kapag ikinasal daw si Savanah at Ren titigil na ang kambal ko sa pagtugis sa buhay ko. Kaya nila nagawang ikulong ako para protektahan ako. Kasi the more na nanlalaban ako, the more na gustong-gusto akong patayin ng kapatid ko at ayaw nilang mangyari iyon so, they chose the wrong way but very much effected to protect me.
Somehow, nabunutan ako ng tinik sa sinabi nila.
Inamin din nilang sila ang may kagagawan kung bakit umalis si Ren at magpakalayo-layo muna. They do it in purpose para daw hindi na kami mag-away ng kapatid ko. Tutal hindi rin naman gusto ni Ren na magpakasal sa kambal ko mas mabuti ng lumayo nalang daw ito para walang gulo. And they did the right thing kasi simula ng umalis si Ren hindi na gumawa ng kalokohan itong kapatid ko. Maliban nalang sa pambebwesit sa'kin araw-araw.
"Sorry," I apologized.
"Sorry," my sister apologized too. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya na siyang mabilis naman niyang inilihis ang tingin niya.
Nahiya pa.
"Hindi kayo aalis diyan hanggat hindi nagkakaayos ang mga utak niyo. Huwag niyong sagarin ang pasensya ko dahil hindi niyo pa kilala ang Mama niyo kung paano magalit," Mama said.
Siguro nga hindi pa namin siya nakikitang magalit kasi ni minsan hindi pa naman niya ako pinapagalitan ng husto. This is the first time, really. Napakabait kasi ng mga ito kaya grabi ang pagtataka ko noong pinagkaisahan nila ako. Pero pinapatawad ko narin naman sila. Hindi ko sila matiis kasi kahit papaano mga magulang ko parin sila. And I loved them very much.
BINABASA MO ANG
Love Caution
ActionLOVE is not controlled by feelings. It does not do anything it feels. CAUTION is not created to warn everyone. It is care taken to avoid danger, risk and pain. Story of how Syren Shane Zenberg take good care of her heart and how she will protect it...