Chapter 17

209 18 2
                                    

++++++

Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng eskwelahan namin sa kadahilanang late na'ko. Past 7:00 a.m na kasi ang gising ko kanina at 8:30 naman ang klase namin. And I'm fifteen minutes late na dahil ang tagal dumating ng sundo ko. Bakit kasi hindi nalang ako bigyan nila Mama at Papa ng sasakyan nang sagano'n ay hindi ako mahirapan. Pero hindi naman ako pweding magdemand sa kanila dahil alam kung pagsasabihan lang nila ako.

Kesyo hindi ko naman kailangan ang sasakyan para lang makapag-aral ako. Kesyo kailangan ko daw pahalagahan ang bawat perang natatanggap ko. Hindi daw puro gastos at luho. Naiintindihan ko naman ang pinupunto nila pero kasi ang hirap ding wala kang sasakyan lalo na kung sa ganitong late ka. Pero bahala na, isang taon nalang naman ang hihintayin ko makakagraduate na'ko sa college. Tiis-tiis din kapag may time.

"The goal of financial managers is to maximize shareholders' wealth and every manager has a job to analyze the financial statements. And give me one financial statement class?"

Ito ang naabutan ko ng pumasok ako sa loob ng klase. Ngumite lang si Sir sa'kin ng pumasok ako. Buti nalang at hindi siya gaanong strict sa attendance and sa mga late comers. Hindi narin ako nag-abala pang mag-good morning dahil hindi niya iyon gusto. Ayaw kong ma-interrupt ang klase niya kaya pumasok nalang ako. Para makabawi sa pagkakalate, itinaas ko ang kamay ko para sagutin ang katanungan niya.

"Yes Ms. Zenberg?"

Tumayo ako at napatingin sa mga classmates ko. Hindi ko mapigilang maalala iyong mga pinagsasabi nila sa aking masasakit na salita. But anyways, I don't mind them.

I smiled to sir.

"The statement of financial position sir," I answered.

"Okay. What else?"

Sinagot naman agad ng president namin ang tanong ni Sir. Pinaubos nalang ito sa kanya dahil mukhang kabisado naman nito lahat.

"Statement of Financial Performance, comprehensive income, changes in equity, cashflows, and lastly notes to financial statement sir!"

"Very well said."

Nagpatuloy si Sir sa pagdidiskusyon. Naging active naman ako kahit papaano sa mga katanungan nito. This is one of my major subject kaya kailangan kong pag-aralan ito ng mabuti. I need this in the future.

Pagkatapos ng klase ay nagmamadali akong inayos ang mga gamit ko. May pupuntahan pa kasi ako.

"Saan ka pupunta Sy? Bakit nagmamadali ka?"

"Sa SeaSide, may pupuntahan lang." Akmang aalis na sana ako ng magsalita ulit si Krashika, "sinong pupuntahan mo?"

Ngumite lang ako ng tipid, "Steward."

Napataas ang kilay nilang lahat sa sinabi ko. Ngumite lang ako sa kanila at nagpaalam ulit pero bago ako makaalis ay narinig ko pa ang sinabi nila.

"Steward huh?"

Napailing nalang ako at tinakbo ng mabilis ang gate. Baka kasi kanina pa naghihintay si Steward doon. Pumara agad ako ng taxi pagkalabas ko at nakita ko pa si Kuya Ren na papalapit sa'kin kaya napamura ako at mabilis na pumasok.

"Manong sa SeaSide Restaurant po," sabi ko dito kaya mabilis niya namang pinaharurot ang sasakyan paalis. Napatingin ako sa labas at nakita ko si Kuya na hindi maipinta ang mukha niya. Napabuntong hininga ako ng malalim.

Sana hindi niya ako sundan.

****

Pagdating sa SeaSide Restaurant ay agad kong hinanap ang lalaking nakapink. Nakita ko kaagad siya at hindi ko alam kung pupuntahan ko ba. Kinakabahan ako sa kadahilanang hindi ko alam.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon