Chapter 21

217 15 1
                                    

+++++

Paglabas ko palang ng school ay hindi na naging maganda ang pakiramdam ko. Para akong nahihilo at pakiramdam ko ang init-init ng buong katawan ko. Nanghihina rin ang tuhod ko at kung pwedi lang na gapangin ang daan palabas ng school na ito ay ginawa ko na kanina pa.

Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko sa kadahilanang kumukuha sila ng retake exam. Hindi kasi sila nakapasa sa quiz ni Sir kaya kinailangan nilang kumuha ulit. Napagpasyahan ko naman na lumabas para sana magpahangin at makapagmuni-muni.

Sa labas ng school ay may mga sari-sari store at doon ko napagpasyahan na bumili ng makakain at tumambay. Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad kong ipinatong ang ulo ko sa lamesa.

Ang sakit ng ulo ko.

Mukhang lalagnatin pa yata ako. Kaninang umaga okay pa naman ako pero ng nasa kalagitnaan na ng klase ay bigla nalang akong nakaramdam ng hilo. Biglang bumigat ang ulo ko.

Uminom ako ng tubig, nagbabakasakaling himasmasan ako pero wala parin talagang progress.

Umuwi nalang kaya ako?

May klase pa kasi ako at ilang oras pa ang hihintayin ko bago ang next class. I decided to text Manong driver para sunduin ako sa school. I was about to put my cellphone in my bag ng bigla nalang may tumakip na panyo sa ilong ko. Hindi ko na nagawa pang manlaban dahil wala akong lakas. I'm so weak right now. Before I knew I lost my consciousness.

*****

Nagising ako sa isang malambot na kama at pinalilibutan ng maraming bulaklak na rosas. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga muwebles at kagamitan.

Nasaan ako? Hindi namin bahay ito. At naalala kong may tumakip sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay. Hindi ko mapigilang kabahan. Bumangon ako sa kama pero napaigik ako ng biglang kumirot ang ulo ko.

"Damn!"

Bumalik ako sa kama at nahagip ng mata ko ang paracetamol at isang basong tubig sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko iyon at ininom. Kahit papaano ay gumaan ang ulo ko pagkailang minuto.

Bumangon ako sa kama at tinungo ang pinto. Binuksan ko iyon at nagpapasalamat ako dahil bukas iyon. Lumabas ako ng kwarto at nilibot ang buong bahay. Sobrang laki nito at sa tingin ko isang maimpluwensiyang tao o hindi kaya sobrang yaman ng taong nagmamay-ari ng bahay na ito. Hindi biro ang materyales na ginamit niya. Ang mamahal ng mga ito nasisiguro ko.

Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likod ko. "Ma'am!" sigaw ko sa sobrang gulat. Anong ginagawa niya dito? Siya ba ang may ari ng bahay na ito?

"Kailangan mo ng kumain," sabi niya bago ako tinalikuran. Sinundan ko siya at tinungo namin ang dining hall. Pagkaupo naming dalawa ay agad akong nagtanong.

"Anong ginagawa ko dito?"

She smiled dahilan para kilabutan ako. She's really weird. At naalala kong hindi pa pala ako nagpapasalamat sa ginawa niyang pagligtas sa buhay ko. "Salamat nga pala ma'am sa pagtulong mo sa'kin," sabi ko dito.

"Don't thank me. Thank him," she said.

Him? Sino?

"Sino? Sinong nag-utos sa'yo?" I asked.

"A special friend."

I want an exact answer. Akmang magsasalita na sana ako ng tutukan niya ako ng baril niya. Biglang umatras iyong dila ko sa kaba. What the heck?

"Eat. Ayoko ng maingay," she just said.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa presensya niya. Hindi lang siya isang basta-bastang tao. She's more than that.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon