+++++
A wonderful day for a beautiful girl like me. Hindi ko maiwasang ngumiti ng malapad habang nakatingin sa salamin. Tinitingnan ang figure ko kung may improvement ba. And I can say, meron nga kasi lalong gumanda ang katawan ko.
Lumapit ako sa kabinet at kumuha ng damit na susuotin. Katatapos ko lang kasing maligo galing sa pagja-jogging kanina. Maaga akong nagising para gawin iyon. Well, that's my daily routine.
"SYREN SHANE ZENBERG?!"
"Kyaah!" sigaw ko sa sobrang gulat ng biglang nalang pumasok si Hazel, pinsan ko. Dali-dali kong tinakpan ang katawan dahil nakapanty at bra lang ako. Sinamaan ko ito ng tingin dahil hindi man lang marunong kumatok bago pumasok.
"I hate you! I will sue you!" I shouted in front of her. Tumawa lang ito sa sinabi ko.
"Baliw! Kanina pa sila naghihintay sa'yo sa baba. Bakit ba ang tagal mong magbihis ha?" tanong nito habang nakatayo sa hamba ng pinto at nakapameywang pa.
"Naligo pa ako at saka pwedi bang isarado mo ang pinto, nagbibihis ako!"
Baka kasi bigla nalang sumulpot iyong mga kaibigan kong lalaki! Mahirap na at makitaan pa ako ng katawan.
"Fine," she said before closing the door. Umupo ito sa aking kama at saka pinanuod akong nagbibihis.
"By the way, uuwi na si Kuya Ren."
Napalingon ako kay Insan dahil sa ibinalita niya sa'kin. "Talaga? Kailan daw?"
Napakibit balikat ito. "Hindi ko alam baka bukas? Hindi lang ako sigurado pero balita ko sobrang gwapo na daw nito."
Iningusan ko siya. Hindi ako naniniwalang gwapo na ngayon si Kuya Ren. Sa pagkakatanda ko kasi mataba iyon at ang sarap sapakin ng bilbil no'n. Kaya impossible ang sinasabi ni Insan.
"I highly doubt that," sabi ko habang isinasara ang closet ko. Ngumite ako sabay pakita sa kanya ng suot ko.
"Okay na ba?"
Hindi nito sinagot ang tanong ko bagkos ay tinalikuran lang ako. Napailing ako. Kahit kailan talaga hindi niya naappreciate ang mga sinusuot ko. Minsan tuloy napapatanong ako sa sarili ko kung pangit ba ang taste ko sa mga damit. Pero sabi ni Mama hindi naman daw. Well, nevermind! Sumunod nalang ako sa kanya papunta sa baba.
Napataas ang kilay ko nang makitang may mga dalang pagkain ang mga kaibigan ko. Hindi lang isa kundi apat na klase ng pagkain. Tiningnan ko sila isa-isa ng may pagdududa. What are they planning to do?
"Akala ko ba aalis tayo? Bakit may mga pagkain kayong dala?" takang tanong ko.
"Nagbago na ang mga isip namin. Iiwan nalang namin ang pagkain dito tapos aalis agad. May biglaang pupuntahan pala kaming lahat," sabi ni Krashika sabay tingin kina Hazel.
Nagtaka ako.
Saan sila pupunta kung ganoon? Bakit hindi ako kasama?
"Sasama ako."
"No!" Hyacinth shouted, na siyang ikinagulat ko. Binalingan ko siya ng tingin. At bakit naman hindi? Saan ba sila pupuntang lahat at kailangan hindi ako pweding sumama?
"Sasama ako," I insisted. Umiling silang lahat na ikinataka ko.
"At bakit naman ha?"
"Kasi bawal nga!" sabi ni Marl habang nakataas ang kaliwang kilay.
Hindi mapagkakailang anak talaga siya ni Tito Michael, kaibigan ni Mama na dating bakla pero ngayon ay straight na dahil nakilala nito ang kaibigan ng Tita Yanyan ko, ang siyang kapatid naman ni Mama—pero hindi sila magkadugo kasi nga pinakupkop lang si Mama sa mga magulang ni Tita Yanyan noong mga panahong nasa panganib ang buhay nito.
BINABASA MO ANG
Love Caution
AçãoLOVE is not controlled by feelings. It does not do anything it feels. CAUTION is not created to warn everyone. It is care taken to avoid danger, risk and pain. Story of how Syren Shane Zenberg take good care of her heart and how she will protect it...