Chapter 14

221 18 1
                                    

+++++

Hindi ko alam kung saan ako magtatago dahil sa mga tingin na ibinibigay ni Kuya Ren sa'kin. Kanina pa ito nakatingin pero hindi naman niya ako nilalapitan. Hindi ko rin siya masisisi dahil nang magtangka siyang lumapit ay lumayo ako. Ayoko ko kasing makatabi o makalapit siya, nakukuryente ako for goodness sake. Hindi ako mapapakali kapag magkadikit ang balat namin kaya mas maigi ng lumayo ako sa kanya.

Kung isang ice cream lang ako malamang ay kanina pa'ko natunaw sa kakatitig nito. Nakakainis naman kasi siya. Bakit ba niya kasi ako hinalikan?

Ginusto mo naman eh!

Kinilig ka naman eh!

Ito ang sinisigaw ng pesteng utak ko. Ginusto ko nga pero tingnan mo tuloy ang nangyari? Naging awkward na! And at the same nakakagulo sa utak dahil hindi ko alam kung mag-aassume ba ako o ano dahil sa ginawa niyang paghalik sa labi ko. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung gusto ba niya ako o hindi. Peste naman kasi itong lalaking ito, hindi nagsasabi! Walang pasabi! Walang clue! Nakakainis!

Kung gusto niya ako sana lang naman ay sabihin niya para maging aware ako. Hindi naman sa sinasabi kong gusto ko siya, dahil hindi ko naman siya type.

Oo tama, hindi ko siya type!

Hindi talaga super hindi talaga. Pero, aish! Pero bakit ganito? Ang lakas ng epekto niya sa akin. Sa isang halik niya lang ay kinikilig na'ko. Na parang gusto kong tumalon sa tulay para e-express ang sayang nararamdaman ko dahil sa paghalik niya sa labi ko.

Ah! Hindi na maganda 'to, hindi na healthy sa katawan, hindi na healthy sa utak at lalong-lalo na sa puso.

"Kung isang papel ka, kanina ka pa itinapon sa basura." Tiningnan ko ng masama si Krashika ng sabihin niya 'yun sa'kin.

"Ang lukot ng mukha teh. Anong problema mo? Kanina ko pa napapansin na ginagawa mong shield ang likod ko," she told again. Sumimangot naman ako.

Paano ba naman kasi ang Kuya mo, ang laking gago, hinalikan ako!

I want to say this to her pero pinili ko nalang na itikom ang bibig ko. Kapag sinabi ko, hindi lang kantyaw ang aabutin ko, irereto pa nila ako plus baka ikulong pa kami sa kwarto ni Kuya. Aba, ayaw ko namang mangyari iyon.

"Ano problema?" tanong nito.

"Palayasin mo 'yang Kuya mo dahil siya ang problema ko. Kanina pa nakatingin sa'kin. Alam kong maganda ako pero sana naman hindi niya pinapahalata ano?" bulong ko dito. She chuckled dahilan para magtinginan ang lahat sa amin. Joke lang naman iyon para maikalma ang sarili ko. Naiilang na kasi ako.

"Mind telling us kung anong pinag-uusapan niyo?" masungit na tanong ni Insan habang nakaupo sa sofa. Tiningnan ko naman ng masama si Krashika. Alam ko kung anong tumatakbo sa utak nito. Huwag lang siyang magkakamaling sabihin dahil baka masipa ko siya palabas ng bahay namin. I glared at her.

"Crush daw ni Sy si Kuya," she teasingly said.

Naningkit iyong mata ko. And I saw them smirked. Napatingin rin ako sa kanya at agad kong inilihis ang paningin ko ng sumilay ang ngite sa labi niya. No! Baka ano pa ang isipin nito sa sinabi ni Krashika. Tumayo ako para idefend ang sarili ko. Mali ang sinabi nito. Maling-mali.

"Masama ang magsinungaling Krashika. Hindi iyan ang sinabi ko sa'yo! I told you na, palayasin mo nga 'yang Kuya mo!" sabi ko dahilan para tingnan nila ako ng makahulugan.

Bakit ganyan sila makatingin?

"Bakit? May something ba?" Kuya Luigi said while smirking. Nag-init naman ang pisnge ko at mabilis na itinapon sa kanya ang unan sa tabi ko. Tatawa-tawang sinalo niya ito. "Pfft. Defensive ka Sy!" he said again.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon