+++++
Pinalabas ko ang mannequin sa kwarto ko at binigay iyon kay Savanah. Sabi niya siya na ang bahalang magtapon doon. Hindi ko gustong itapon iyon kung tinanggap lang sana ng may-ari ng boutique itong gown na ito. I have no choice kaysa sa masaktan ako araw-araw sa tuwing makikita ko ito. I can't take the pain anymore. It's too much.
Lumabas ako ng kwarto ng marinig kong may nagsisigawan sa baba. Pagkatingin ko ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa baba na nagrarambulan. Hindi ko alam kung anong pinagkakaguluhan nila at para malaman iyon ay bumaba ako. Good thing, nakaligo na ako.
Maaga kasi akong nagising at pumunta agad sa laboratory ko. Binisita ko lang naman iyon dahil matagal-tagal ko ring hindi napuntahan. Gano'n parin naman at hindi naman nagkakaroon ng alikabok, siguro sinusunod nina Mama at Papa sa paglilinis.
Pagkakita nila sa'kin ay agad silang tumahimik na siyang ikinataka ko. Nangunot 'yong noo ko sa hawak ni Kuya Luigi ngayon. Wine? Iinom sila dito?
"Anong ginagawa niyo dito?" I asked sabay pamewang sa harapan nila.
"Dinner later. Napaaga lang ang punta namin dahil gusto naming makipagbonding sa'yo," sabi ni Krashika. Ngumise ang mga kalalakihan sa sinabi nito.
"Dinner? Para daw saan?" tanong ko at umupo sa tabi ni Insan at Kuya Rain. Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil sa sobrang close nila. Ayokong makakita ng sobrang sweet ngayon, nagiging bitter ako.
"Insan ang luwag don!" inis na sabi nito sa'kin. Hindi ko siya pinansin at umirap nalang sa kawalan. Wala din naman silang choice dahil nakaupo na'ko.
"Para sa kasal ni Kuya Ren. Pupunta sila lahat dito. Kuya Flith will be here also with his girlfriend." Binaling ko ang tingin ko kay Hyacinth. Kasal? Why here? Hindi ba dapat sa bahay nila Krashika? Why here? Gusto ba talaga nilang saktan ako ng husto at nagawa pa nila ditong magdinner?
I cleared my throat para mawala ang bara sa lalamunan ko. Ang hirap huminga at ang hirap lunukin ng laway ko.
Lahat sila napatingin sa akin kaya inayos ko ang pag-upo ko. I tried my very best para pigilan ang luhang nagbabadya sa mata ko. I'm getting helpless again.
"Uh, inom mo na tayo. Sayang ang wine," I heard Kuya Luigi. I know, he's trying to change the topic.
"Okay lang ba sa'yo Sy?" Jameson asked.
Tumango ako kahit na hindi okay sa'kin. Mas gusto ko pang magkulong sa kwarto at hindi na lumabas pa hanggang gabi.
"Yeah. Let's drink and get drunk," I said to all of them. They smiled but the fake one. Napipilitan lang yata silang ngumite sa harap ko.
Kumuha ako ng baso sa kusina at dinagdagan ang wine na dala ni Kuya Luigi. Nahihinuha ko kasing hindi ito kasya sa'min, lalo na sa akin.
Pagkalapag ko ng baso sa mini table na nasa harapan namin ay nagsimula silang uminom. Si Marl, Kuya Luigi at Hyacinth ay nasa lapag katabi ng lamesa and the rest nakaupo na sa sofa.
"Ghaaad. Ang init nito sa lalamunan!" sigaw ni Krashika. Nagsitawanan kaming lahat dahil sa kanya. Ang sagwa naman kasi ng lasa nitong Sutter Home. Hindi ko alam kung saan binili ito nina Mama at Papa. Ang sagwa pero masarap din naman pagkalaunan, ewan ko ba hindi ko din maintindihan.
"Ang sarap nitong Gallo, try this Sy," alok sa'kin ni Kuya Luigi. Kinuha ko ang baso at damn! Masarap na masakit dahil sobrang init nito sa tiyan.
"Damn!" Parang gusto kong isuka ang ininom ko. Hindi naman kasi ako sanay sa wine. Mas sanay ako sa mga local drinks na gawa mismo ng sariling bayan ko. I love the taste of San Mig Light compared to this expensive wines in front of us.
BINABASA MO ANG
Love Caution
AksiLOVE is not controlled by feelings. It does not do anything it feels. CAUTION is not created to warn everyone. It is care taken to avoid danger, risk and pain. Story of how Syren Shane Zenberg take good care of her heart and how she will protect it...