Chapter 44

191 14 4
                                    

+++++

Hindi ako makakain ng maayos dahil pakiramdam ko may taong nakatingin sa akin. Iyong tipong bawat subo mo ay nakaabang siya. Kanina pa ako palipat-lipat ng pwesto pero sunod ng sunod ang mga tingin nito.

Kahit hindi ako sa kanya nakatingin, mayroon paring nagbubulong sa'kin kung anong ginagawa niya.

"Magkaholding hands sila twinny," sabi ni Savanah sa tabi ko. Tapos na itong kumain kanina pa at siya ang nagsisilbing watcher ko kay Ren. Siya ang nagsasabi sa'kin kung anong ginagawa nito kasama ng fiance niya. Ang galing lang ng kapatid ko diba? Isang prinsesa na ngayo'y naging watcher ko na.

"Nagkiss."

Pagkarinig ko ng kiss ay bigla akong lumingon sa kanila at ganoon nalang sumama ang tingin ko sa kanya ng hindi naman ito nagsasabi ng totoo. Ngumite lang ito ng nakakaloko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin siya sa kayang tagiliran.

"Umayos ka," I said to her.

"Tsk. Whatever."

Umalis ito sa harapan ko at nakihalubilo kina Mama sa kabilang table. Nandito kasi ako ngayon sa sofa nakaupo habang kumakain samantalang sina Ren naman ay nasa gilid ko na medyo may kalayuan sa'kin.

Masyado kasing malaki itong bahay nina Tita kaya parang naging Party Hall ang dating ng bahay nila. Parang nasa hotel kalang dahil may nakaset up na mga buffet chairs and tables pero good for us lang naman.

Ilang minuto bago umalis si Savanah ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Paglingon ko ay siya ang nakita ko kaya itong puso ko nag-aalburuto na naman. Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil kapag inaangat ko ang kutsara ay halatang nanginginig ang kamay ko. Peste, natetense ako.

Hindi ko ito pinansin at nagkunwaring wala akong katabi, na mag-isa parin akong nakaupo dito. Itinabi ko ang pinggan at inilagay iyon sa isang tabi. Pinunasan ko ang bibig ko ng tissue pero naestatwa ako ng lumapit ito ng sobrang lapit sa'kin.

"I miss you...," he whispered into my ears that's why my heart beats erratically. Tumikhim ako para mawala ang ilang na naramdaman ko.

"E-excuse me," I said before I stand up. Pero bago pa'ko makaalis sa kinauupuan ko ay nahawakan niya na ang kamay ko at hinila paupo. This time magkadikit na mismo ang balat naming dalawa at nasusuffocate ako sa totoo lang.

"Bitawan mo'ko," naiinis na sambit ko. Baka makita pa kami ng fiance niya at masabunutan ako dito.

"Nah, dito ka lang. Gusto kitang makatabi."

What the heck! Luminga-linga ako at hinanap ang babae niya and thanks god wala siya.

I sighed in relief.

"Sinong hinahanap mo?" tanong nito.

"Fiance mo," may diing pagkakasabi ko.

"You mean Kwen?"

Ha! May iba pa ba siyang fiance?

"Bakit may iba pa ba? Marami ka bang fiance?" I abruptly said.

"Wala na naman. Siya lang naman."

Wow naman pre! Harap-harapan pinapamukhang may fiance siya? Tsk.

Hindi ako kumibo at inagaw nalang ang kamay ko sa kanya. Dumistansiya ako ng onti para makalayo sa kanya ng bahagya.

"Sy..."

"What?"

Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang emosyong iyon. Bakit siya malungkot?

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon