Chapter 38

155 10 2
                                    

+++++

"Papunta na daw siya," sabi ni Insan sa'kin habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng mga isda.

Dito siya natulog sa amin kahapon dahil ayaw niyang umuwi sa Maynila. Hindi niya pa daw kasi gustong makita ang mukha ng kakamabal ko. Parang hindi niya rin makikita e pareho lang naman ang mukha namin no'n.

Buti nalang at pumayag si Boyet na dumito muna siya. Noong una ayaw pa sanang pumayag nito pero noong pinilit ko ay umuo din. Baka daw kasi magreklamo ang pinsan ko sa bahay niya at hindi nga siya nagkamali dahil nilait nito ang bahay nina Boyet. Mabuti nalang at sinabihan ko kaya ayun natahimik din ang bunganga ng pinsan kong ito.

"Kinakabahan ako," sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahn talaga ako. For three months, magkikita na naman kami ulit.

"Don't worry hindi ka kakainin no'n," sabi nito sabay sulyap kay Boyet na todo din ang bantay sa aming dalawa. Kanina ko pa napapansin ang pagmamasid niyang iyan sa amin. Ewan ko ba sa lalaking iyan.

"Masungit ba talaga iyan?" tanong ni Insan sa'kin. Napakibit balikat naman ako sa kanya.

"Oo. Sobrang sungit," bulong ko. Bigla namang tumikhim sa likod namin si Boyet.

"Aham."

Napangisi ako at nilakasan pa lalo ang boses ko. Gusto ko lang inisin ang hinayupak na ito.

"Minsan mukhang tigreng madungis 'yan!" sabi ko at bumungisngis. Nagulat naman ako ng biglang sumingit sa gitna namin ni Insan si Boyet at padabog na kinuha ang kutsilyo sa gilid. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.

May balak ba siyang patayin kami?

"Tama ka nga Insan," sabi ni Hazel sa'kin at napatalon ako sa gulat ng biglang ihampas ni Boyet ang kutsilyo sa chopping board at matalim na tumingin sa'kin.

"May mapapatay yata ako ngayon," sabi niya. Pero alam kong kami ang sinasabihan no'n ni Insan.

"Try and I will kill you too."

Nilibot ko ang paningin ko ng marinig ko ang boses na iyon. Its been three months since I heard that voice. Namiss ko siya ng sobra. And it's still Ren Jackson Montenegro that I've known from the past. Walang pinagbago at gwapo parin.

Nangunot lang ang noo ko nang makita ang seryoso nitong mukha na parang handa ring mangkatay ng tao. Ibang-iba ang awra niya ngayon, ang dilim masyado.

"Ay kabayo!" sigaw ko sa sobrang gulat dahil sa bigla na namang hinampas ni Boyet ang kutsilyo sa chopping board.

Lintik! Hindi ba siya nabibinge sa ginagawa niya?

"Andiyan na yata ang prince charming mo," may kapaitan na sabi nito sabay walk out. Nagkatinginan kami ni Insan dahil sa inasta niya.

Problema no'n?

"Magtitinginan nalang ba kayong dalawa diyan? Are you not going to hug me Sy?" seryosong saad ni Kuya sa'kin.

Nagtatakang tiningnan ko si Insan. What the hell is happening right now? Bakit ang sungit nila?

Kahit nagtataka man ay lumapit ako kay Ren at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. I missed him very much. Damn!

"I really missed you," I muttered. Niyakap niya din ako ng mahigpit sabay halik sa ulo ko. At ramdam ko ang pagmamahal sa ginawa niyang iyon. So tender.

"I love you," ito ang sinabi niya imbes na mag-I missed you too sa'kin.

Tiningnan ko siya. Nangunot ang noo ko dahil sa hindi parin nagbabago ang awra nito. Seryoso pa din. Hinawakan ko ang pisnge niya at pinisil iyon.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon