Chapter 48

192 13 1
                                    

+++++

Ilang araw na ang nakalipas simula ng dumating sila dito. Simula noong araw na iyon ay palagi nalang akong umiiyak sa kwarto ko. Hindi ko kasi talaga kaya na makita silang dalawa na palaging magkasama. Palagi silang nandito sa bahay, siguro ipinapamukha niya sa'kin na may iba na siya. Hindi rin ako masyadong lumalabas ng kwarto dahil ayokong makita sila. Palagi lang akong nakamasid at tinitingnan sila.

Si Mama at Papa ang palagi nilang kinakausap kapag pumupunta dito. Nagtatanong tungkol sa design ng gown at ng mga abay. Nakakainis dahil bakit dito pa sa bahay? Bakit hindi nalang doon kina Tita Mrie? Tapos kung titingnan mo ay masayang-masaya pa sina Mama sa pagpipili na ginagawa nila. Parang gusto ko siyang puntahan at sabihan na, 'Ma nasasaktan po ang anak niyo ngayon nagagawa mo pang suportahan ang kasal nila?'

"Anong tinitingnan mo sa baba?" tanong ng kapatid kong si Savanah. Inirapan ko siya at hindi pinansin.

"I see. Bakit hindi mo sila puntahan sa baba at guluhin ang pinag-uusapan nila? Twinny alam mo ang asawa nga naagaw pa, paano pa kaya na ikakasal palang? Gumawa ka kaya ng paraan hindi 'yong nagmumukmok ka diyan at umiiyak. Tingnan mo nga mukha mo. Para kang patay na muling nabuhay. Ang lalim ng eyebags mo at ghad! You look wasted, very wasted!" sabi nito sa'kin. Tiningnan ko ang sarili ko at kinapkap ang mukha ko. Talaga bang sobrang pangit ko na?

"Pangit ko na ba talaga sobra?" tanong ko dito at tumango siya sa'kin.

"Yes. So you need to fix yourself. Tara, pupunta ako ng mall ngayon at magpapaganda. Gusto mo sumama?" aya niya. Hindi na'ko nagdalawang isip pa at nagmadaling nagbihis pagkatapos ay sabay kaming bumaba na dalawa. I tried my very best na huwag silang tignan at huwag kunin ang atensiyon nila para hindi nila makita ang mukha ko. Pero itong lintik kong kapatid nagpaalam pa kina Mama at Papa. She even said goodbye to Ren and Kwen.

"Wait. Saan kayo pupuntang dalawa?" Mama asked pero hindi ako lumingon. Si Savanah lang.

"Uh, sa mall Ma. Magpapaganda lang dahil mukhang losyang na itong kapatid ko. At isa pa gusto niya yatang kumain sa Lechon Hauz, alam mo na baka naglilihi," ang huling sinabi niya ang siyang pumukaw sa katawang lupa ko. Anong pinagsasabi nitong naglilihi? What the heck?! Walang pagdadalawang isip na binatukan ko siya at hinarap si Mama. Nag-aalala ang mukha nito na siyang ipinagtaka ko.

"Huwag po kayong maniniwala sa babaeng 'yan. Siya yata ang naglilihi dito Ma! Psh." sabi ko kay Mama pero hindi parin nagbabago ang reaksiyon nito. Napatingin ako sa kanilang apat.

"B-Bakit?" I asked them.

"Umiyak ka ba nak? Bakit namamaga ang mata mo?" Sobrang halata na ba talaga? Nahagip ng mata ko si Savanah na ngayo'y nakangisi na. Peste! Kaya niya siguro ginawa iyon para makita nila ang mukha kong sobrang pangit na. Kasalanan 'to ni Ren eh!

"Wala po ito Ma. Nanood kasi ako ng Kdrama kagabi kaya nagkaganito."

"Kdrama ha? Palusot." Bulong-bulong ng bruha kong kapatid.

"Sige alis na kami!" sabi ko bago hinila ang kapatid ko. Pagkalabas namin ng bahay ay piningot ko siya.

"Aray naman!"

"Bruha ka talaga. Bakit mo ginawa 'yon?"

"E sa gusto ko! Ayaw mo no'n baka mag-alala siya at puntahan ka ngayon?" sabi niya. As if naman na pupuntahan niya ako e kasama niya ngayon si Kwen.

"Baliw ka na," sabi ko dito. She smirked.

"Hindi nga ako nagkamali dahil andiyan siya sa likod mo..." sabi niya at pangisi-ngisi pa. Bigla akong kinabahan. Napabuntong hininga ako ng malalim bago lumingon at parang gusto kong sabunutan ang kapatid ko ngayon dahil sa pang-aalaska niya sa'kin.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon