Chapter 40

171 8 4
                                    

+++++

Napabitaw ako sa pagkakayakap ni Boyet ng marinig kong may yabag na papalapit sa amin. At paglingon ko mukha ni Ren ang nakita ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang kumirot ito. Ang sakit.

"I'm sorry...," I muttered while crying in front of him.

I heard him laughed bitterly. Napatalon nalang ako sa gulat ng bigla niyang sipain ang upuan sa gilid niya.

"Damn it Sy! Kung para sa'yo ganoon lang kadali pirmahan ang papel na iyon sa'kin hindi!" sigaw niya mismo sa harapan ko.

Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya. Tingin ba niya ay gusto ko rin ang ginawa kong iyon? Hindi! I love him so much pero para matahimik na ang kapatid ko at para wala ng masaktan ay ginawa ko iyon.

"I'm sorry. I'm sorry." Ito lang ang pwedi kong sabihin sa kanya.

"Urgh! Fuck this fucking life!"

"Ren!" sigaw ko ng magwala ito sa loob ng bahay. Lahat ng makita niya ay sinisipa niya. Kulang nalang ako ang sipain niya sa sobrang galit. Hindi ko gusto ito, hindi.

"Pre, huwag ka namang magwala dito. Pag-usapan niyo nalang ni--"

"Fuck you!" sigaw nito sabay suntok kay Boyet. Nagpanik ako sa ginawa nito.

"Ren!" sigaw ko at sinubukan siyang awatin pero hindi ito nagpapigil.

"You want to distroy us too?! Fuck you asshole! Damn you!" sigaw ni Ren habang sinusuntok si Boyet. At hindi naman nagpaawat ang isa at sinuntok rin siya pabalik. Ngayon nagsusuntukan na silang dalawa sa harapan ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustrasyon.

Damn it! Damn it!

"Tama na! Please lang tama na!" sigaw ko sa kanila.

Lumabas ako ng bahay at hinayaan silang dalawa doon. Ayoko ng gulo! Ayoko na! Sawang-sawa na'ko.

Napatingin ako sa tatlong tao na nandito parin pala sa labas ng bahay na ito. Ano pa ang ginagawa nila dito? Bakit hindi pa sila umaalis? Nakapirma na'ko diba? Ano pang kailangan nila?

"Ano pa PO ang kailangan ninyo dito? Pwedi na kayong umalis dahil nakuha niyo na ang gusto ninyo."

"Nak..."

I smiled bitterly. Nak? Napailing ako.

"And by the way, thank you for coming here and ruining my life and day!" I shouted bago sila tinalikuran na lahat.

I don't want to cry but my tears can't stop from falling. I felt like my heart been tearing apart again and again. Ang sakit. Sobrang sakit.

Masakit dahil pamilya ko pa mismo ang gumagawa nito. Ang sakit dahil akala ko, kakampi ko sila dito. All my life, I never imagined na gaganituhin nila ako. Hindi ko inaasahan na sasaktan nila ako ng ganito. Sila ang kahuli-hulihang taong naiisip kong sasaktan ako pero nagkamali ako dahil sila pa pala ang magpaparamdam sa akin ng ganito.

I hate this life.

Pagkakita ko ng tricycle ay agad akong pumara. Umiiyak na sumakay ako at hindi pinansin ang nakakunot na mukha ni manong.

"Sa malayong lugar po. Iyong malayong-malayo. Iyong lugar na walang gulo at walang mananakit sa'yo," sabi ko sabay pahid sa luha ko.

****

Dinala ako ni manong sa lugar kung saan pweding makalimutan ang pansamantalang sakit na nararamdaman ko. Kung saan pwedi mong ibuhos ang luha mo dahil walang mangingialam sa'yo.

Love CautionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon