Dear Diary,
Kilig na kilig ako ngayong araw na ito! Napaka unforgettable niya dahil finally, mabibigyan na ng linaw ang love life ko. Sinasabi ko na nga ba at may tinatagong pagibig ang lalaking itinakdang magpakilig at magmahal sa akin hanggang sa malagas na ang mga ipin ko. Kasi naman eh! May paganun ganun pa siya hindi na lang ako diretsuhin!
Isipin mo na lang, nagkasalubong kami ni Gabriel kanina at kita ko ang bilis ng pagtakbo niya nung masasalubong na niya ako. Napansin ko na namumutla siya at butil butil ang pawis sa noo. Para maging madrama ang aming pagsasalubong, huminto ako sa dadaanan niya at nginitian siya.
Pero lalo akong kinilig nung sumigaw siya ng "Tabeeee! Naeechas na ako humarang ka pa!"
Sabay tulak sa akin ng malakas sa tabi!
Napa slow motion ang paligid ko. Hindi ganito ang ineexpect ko. Gusto ko maiyak sa hiya pero nangyari na eh! Shocks tinulak niya ako! Grabe siya! Bakit nagagawa niya sa akin ito?
Tinulak niya ako at kahit sa moment na naeechas na siya, ginusto pa din niyang madampian ng mga daliri niya ang braso ko. Alam niyang masasaktan ako sa pagtulak niya pero inuna lang niya ang kapakanan ko dahil ayaw niyang mabangga ako na lalo akong masasaktan.
Grabe si Gabriel! Papaano niya nagagawang pakiligin ako ng ganito? Kaya siguro siya naechas kasi iniisip na niyang magtapat ng nararamdaman para sa akin at kinabahan siya?! Oh my goooossshhh!!! Sinasabi ko na nga ba eh! Sinasabi ko na!!!
Iniisip ko pa lang kung papaano ko maikukwento sa mga magiging apo namin ang umpisa ng lovestory namin kinikilig na ako. Papaano pa kapag ikakasal na kami?!
Kinikilig,
Gelay
![](https://img.wattpad.com/cover/56553327-288-k466265.jpg)
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...