Chapter 24 - Letter

75 7 1
                                    


Dear Diary,


Totoo nga, since nung grad ball hindi na kami nakapagpansinan pa ni Isaac. Nakita ko din na sobrang busy niya. Unlike other people na isusulat sa diary ang nangyari sa graduation, ako hindi. Grumaduate na kami so ano pa nga ba? Maisusulat ko lang is that Isaac and Gabriel looked so good while receiving their respective awards. Naiiyak ako at the sight of them lalo na nung nagpicture taking dahil masayang masaya sila na nakaakbay sa isa't isa na parang matalik na magkaibigan.

After the ceremony, Isaac just left without any other word. Nawala siyang parang bula. But Gabriel is still there, and were with me hanggang sa after party.

Hindi na sana ako sasama sa after party pero kinumbinse ako ni Andrea at ni Steffi, kasama na din ang ilang mga characters na naisulat ko na (hahaha!). Sabi nila, this is going to be the last day that our batch is going to be together at dinner lang naman daw kaya it won't be long.

Medyo natuwa ako nung may isang usiserong lumapit sa akin at hinahanap sa akin si Isaac. Binara kasi siya ni Gabriel by saying, "Kelan pa kayo naging close? Umalis ka nga dito."

Kumindat sa akin si Gabriel at pinakita ang biceps niyang invicible hahaha!

Pero ngayon, andito ako sa kwarto ko at nag-iisa. Nagligpit ako ng mga gamit habang naka-lock ang kwarto ko. Anytime kasi alam kong mapapa-emote ako.

Sa pagliligpit ko, nagpakita sa akin ulit ang isang tin can na pinagbantaan ako na noong grad ball ko pa dapat nabuksan. Ngunit dahil nga sa mga pangyayari, I totally forgot about it. Huminga ako ng malalim at dahan dahan itong binuksan. Wala naman itong laman kundi isang sulat.

Nakakatawa lang kasi nakalagay na talaga ang pangalan niya dito. Nagpakilala na siya.

I slowly opened the envelope na mas makapal than the usual letters na natatanggap ko noon. Sa totoo lang ayoko siyang buksan kasi baka maiyak nanaman ako. Parang gusto ko malaman ang nakasulat na hindi? Eh dahil nga makulit ako, binuksan ko na at sinimulan itong basahin.

Alam ko naman diary na chismoso ka din at atat ka na malaman kung ano ang nakasulat.

Ito 'yung nakasulat...


Gelay,

To be honest, I can't seem to fathom why I am writing you a letter in the first place. Maybe I don't have anything else to do? No eh. To be precise, I can't do anything because I've been thinking about you. It's been going on for days, months even, and this is killing me. I know I have to say this one way or the other or else, I cannot function and do the tasks that I have to do.

I am sorry if I cannot tell you right away. Palagi ko kasi iniisip ang mangyayari in the long run. Sorry din kasi hindi ako sanay sa mga ganito. It is hard for me. I don't know how to even start telling you. Okay, maybe I will start by telling you scenarios that you might be familiar with.

Remember the time na binuhat kita from the canteen paakyat sa classroom natin? Yung time na sinaktan ka ng ibang tao at pinagbalakan ka pa gawan ng hindi maganda right after? I was so mad. Very very mad. I badly wanted to act like the person everyone would fear if they would do you wrong. I am sorry if the only thing I was able to do is what an SC President would do. Believe me, I wanted to do something more than that. Gusto ko din sila gantihan, sigawan, or sapakin. Gusto ko magpakita sa kanila ng galit not as someone who holds a position, but someone whom they would recognize and remind them to never mess with you.

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon