Chapter 29 - Tazmania

104 7 26
                                    

A/N: I suggest that you play the song/video while reading this chapter :)

-------------------------------


Dear Diary,


I never experienced what happened today for the longest time. Gabriel and I went to Timezone initially and spent most of the time playing arcades. Nag-basketball kaming dalawa. Naalala ko nung highschool kami na naglalaro nga pala siya ng basketball and his stance reminded me of his young, foolish (hehe) self. Naglaro din kami ng arcades. Naglaban kaming dalawa hanggang sa isang machine na lang ang ginagamit namin.

Naramdaman kong ako lang ang nakakaramdam ng awkwardness. Playing with that arcade machine, he stood behind me habang nakaupo ako. I might be assuming but I really felt that para na niya akong inaakap from behind. There was also an instance that he held my hand together with the buttons pero hindi naman gumagalaw ang mga kamay nito. I asked him what's wrong pero ang sabi lang niya, "Huh? Wrong? Nag-iisip kasi ako kung anong cheat ulit yung ginamit ko ulit dito eh para makarami ng tickets hehe!"

So pinalampas ko siya. Kasi para sa akin, his reason made some sense. Potassium lang nga siguro ako.

Nag-videoke pa nga kami eh. Pero alam mo yun? Parang feeling ko lahat na lang siguro ng kantahin namin nakakarelate ako. Hindi ko din alam kung dahil hindi ako member ng Music Club noon kagaya niya kaya sa tingin ko feel na feel niya yung kinakanta niya. Yung makikita mo siyang nagmamakaawa, may gustong pigilan na ewan. Medyo tinamaan ako nung kinanta niya yung song ni Kaye Cal na "The Labo Song". Tinamaan na at the same time, naisip ko na para siya kay Jenny. Kasi the song is somewhat asking a lover to get back. Hindi lang niya masabi ng diretsahan.

Pero yung chorus, it is a mix of pretentious happiness that is being overshadowed by sadness and longing. Ewan ko ba. Punyeta 'tong lalaking 'to eh. Mukhang ida-download ko pa sa Spotify yung kanta. Actually dinownload ko na ngayon at pinakikinggan habang nagsusulat sa'yo. On repeat pa.

Then going back nga sa Timezone, nakarami kami ng tickets at napaakap pa nga kami sa isa't isa nung ma-hit namin yung jackpot sa "Drop the Ball". 1500 tickets on that machine alone! Eh andami na nga naming ticket. Hindi nga ako nakabitaw kaagad sa pagkakaakap sa kanya. Ang sarap niya kasing akapin. Naisip ko lang kasi, madalas ko siyang naaakap kapag umiiyak ako noon o nalulungkot. I can say this is the first time na inakap ko siya dahil sa sobrang tuwa.

Habang tumatagal na magkasama kaming dalawa, masaya ako and at the same time nalulungkot. Bakit ngayon ko lang na-realize that it was this fun whenever I am with him and that I can't stop smiling?

Ang saya saya nga eh. Yung isang machine din na may mga lamang stuff toy, after four tries, nakuha na niya ang isang stuff toy na kung tutuusin, pwede naman siyang mamili ng ibang mas malapit sa chute.

Nagtatatalon siya sa tuwa na nahalikan pa niya ang noo ko. Natigilan nanaman ako at patagong hinawakan ng bahagya ang noo ko. Nakuha niya kasi is a medium size na heart pillow na kulay blue at mabilis itong inabot sa akin at sinabing, "Para maiba naman. Puro na lang red heart pillows ang meron. Kung may yellow sana yun ang susubukan ko kunin eh. Ayan unan. Higaan mo at labhan mo na yung mga gamit mong amoy laway! Hahahaha!"

My heart jumped with joy. Napangiti ako at sinabing, "Thank You."

In which normally, pagsususntukin ko siya. Pero hampas lang ang nagawa ko.

At ang pinakahuli, ang tickets namin. May card kasi si Gabriel ng Timezone at nakaipon na siya ng 15,000 na tickets. Wow. Talagang wow! Ilang oras kaya at magkano ang ginugol niya para sa ganun kadaming tickets?! Elib ako haha!

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon