Chapter 27 - Balita

61 7 2
                                    


Dear Diary,


It still felt that this diary thing is "new". Tuwing tinitignan ko ito kasi, lagi kong naaalala ang mga what ifs ko noon. Hindi rin maiiwasan, naaalala ko ang mga nangyari noon, pati ang isang taong pinipilit kong kalimutan hanggang ngayon. When I say new, parang kapag nagsusulat ako kasi ngayon, the feeling is a bit different na.

Ah yung kumatok sa pinto? Dumalaw si Gabriel and bought me two chismis. I know my face lightened up nang makita ko siya. For some reason, I felt so happy and I felt like... I missed him.

I miss him bringing tons of food to satisfy my katakawan. Kapag tinitignan ko siya ngayon, I just simply feel happy na may halo halong emotions na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Yung mga tipong, who would have thought na magiging magkaibigan kami ng ganitong katagal? Who knew that he is going to be the person who's going to be there for me, weather it be my brightest or my darkest days.

Who would have thought that magiging ganito kami kalapit sa isa't isa? Who would have thought na ang isang incident noong high school turned out to be... how should I say this? Ugh... blessing in disguise. Mapapatanong na lang ako talaga sa sarili ko kung ano ang talagang meron siya. Nangingiti na lang ako habang tinitignan ko siya na daldal siya ng daldal at reklamo ng reklamo sa traffic. Kesyo pawis na pawis na daw siya dahil kahit may aircon ang auto niya, matindi daw talaga ang init. Kaso kahit pawis na pawis na siya, he is still an eye candy.

"So I have two news for you." Sabi niya na may malaking ngiti sa mga labi matapos kumindat.

What is just odd is, parang over happy siya masyado at super hyper haha! But anyway, ngayon pa ba ako maninibago eh minsan na niyang sapilitang pinaamoy sa akin ang kili kili niya haha!

"Mukhang parehong good news 'yan ha?" sabay subo ko ng isang malaking tipak ng ice cream at na-excite na kasabay niya. Anlakas niya kasing makadala eh!

Tumalikod siya sa akin. Yung pagtalikod na parang ayaw niyang makita ko ang mukha niya.

"Someone sent me a message sa Facebook two days ago. Isaac is coming to see you on Monday."

Hindi ko naalis sa bibig ko ang kutsarang nakasubo dito nang marinig ko ang pangalan ni Isaac. I mean, everything just came back just like that. Biglaan at parang wala akong ibang choice but to do it.

Humarap na ito sa akin, huminga ng malalim at ngumiti, "Yihee!"

"Anong yihee?" tanong ko dito. Hindi ko pinapahalata sa kanya na somehow, I am losing my composure little by little.

Malakas niyang tinapik ang braso ko, "Gelay don't you think its about time?"

"About time saan?" tanong ko sa kanya. Hindi ko din kasi talaga ma-gets.

Ang mga susunod niyang sinabi ay lalong nagpagulo sa utak ko, "Gel, I know its been a long time already but we both know that you guys have paused something for quite sometime. To be honest, alam kong napakaraming tumatakbo diyan sa utak mo about the guy. Don't you think it is about time for you guys to talk? I know, I know okay? Wag mo akong pandilatan ng ganyan. Umalis siya ng walang paalam but at least hear him out. Wala namang mawawala kung magkikita kayo. He personally talked to me to ask you kasi you are not answering his e-mails daw. He was trying to get in touch with you pero hindi mo siya pinapansin. He was asking for your number but siyempre hindi ko binigay. 'Wag kang mag-alala. Ihahatid kita sa kanya sa meeting place ninyo if that would help you."

Napahinga ako ng malalim nang sumagot ako sa kanya, "Alam mo hindi ako sure kung bakit ngayon pa niya gustong makipagkita pero... whatever. Pag-iisipan ko. Antagal na nun eh."

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon