Dear Diary,
Mula nung araw na inagaw niya ako kay Richard, nag-iba ang tingin sa akin ng buong school. Gusto ko sana matuwa kaso ayoko naman maging assuming at baka sabihin nila sa akin kadalaga kong Pilipina ang harot harot ko. Garabe nakaka overwhelm ang talas ng mga tingin nila sa akin. Tuwing dumadaan ako sa may locker pinagbubulungan nila ako. Gandang ganda siguro sila sa akin at winiwish nila na sana kaming dalawa na talaga ang magkatuluyan.
Dahil ayoko naman na isipin nila na feeling ako, nginitian ko sila at pacute na nag-hi na may kasama pang pabebe wave para may effort.
Naappreciate ko naman ang ginagawa nilang effort kaso... Eeeehhhh neheheye eke telege!
Isa pang highlight ng araw ko ang isang blue na post it note na naka dikit sa locker ko! Napalunok ako habang sinisiguro kong locker ko nga iyon. Shocks talaga. Kilig na kilig ako talaga!
Nakalagay kasi sa sulat, "Smile ka lang lagi. Bagay na bagay sa'yo."
Huli ko na lang na naalala, nandilim na ang paningin ko at hinimatay ako. Joke lang. Nagdecide ako na lalong maging dalagang Pilipina since kami naman ang totoong tinadhana ng kalangitan. Hindi ko kailangan magmadali. Maliban na lang kung aapurahin ako.
Joke lang ulit.
Ito na ang umpisa ng aming umaalab ng lovestory.
Neheheye,
Gelay
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Hài hước(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...