Chapter 18 - Paghuhumiyaw ng Post It Notes

111 8 3
                                    


Dear Diary,


Pasensya na kung hindi ako nakapagsulat ng dalawang araw sa'yo ha. Exams na kasi next week at pukpok to the max na talaga ako. I cannot afford a failing mark. Hayaan mo at since weekend ngayon, mahaba haba ang isusulat ko. Ang good news, nagkausap na kami ni Steffi. OK na kami pero hindi pa tulad dati.

Nagulat nga siya nung ma-realize niya na-corner namin siya sa tulong ni Andrea. Inamin niyang wala talagang kasalanan si Gabriel and that right after telling her daw about "tsaka na lang daw mag-a-out" thing nila ni Gabriel, bigla din itong binawi dahil sinabihan din siya na wala silang pinagusapang ganun at bakit tinanong pa siya kung bakit pinipilit niya.

Nag-sorry siya kasi may nasabi siyang hindi maganda at my back. Naiinggit daw kasi siya sa akin dahil nagkaroon ng "improvement" sa amin noon ni Gabriel dahilan para matawa kaming lahat.

Natawa si Gabriel kasi parte lang nga daw iyon ng pagiging asshole niya. Natawa si Andrea dahil sumakit daw ang ulo niya noon kung paano sasabihin sa akin ang bagay na iyon at pati ang panghaharot niya kay Gabriel. Mas lalo akong natawa dahil inamin kong talagang crush ko si Gabriel.

Sabi ko pa, "Ikaw kasi Gabriel pakipot ka masyado. Matagal na kitang crush at matagal ko din naman nang alam na baliw na baliw ka sa kagandahan ko. Nagkaroon pa nga tayo ng fans club, jinombag tuloy ako kasi nakita nilang walang forever. Hahaha!"

Nahihiyang napayuko na lang si Steffi at inakap na namin siyang tatlo. Basta sorry siya ng sorry.

Ang nakakatuwa, hindi ako nakaramdam ng hiya sa confession ko kay Gabriel. Tawa pa nga ako ng tawa eh. Naging topic of conversation pa namin iyon na pakiramdam ko, naging dahilan para tuluyan kaming magkabati bati at lalo pang maging close.

Lumipas ang mga araw, lima na kaming magkakasama tuwing magla-lunch. Bakit lima? Kasi pati si Richard nasa grupo na din namin. Tahimik pa din si Steffi kapag kasama si Gabriel pero fate gave us all the reason para magkaayos na din ang dalawa. Naging close din ako kay Richard and I found out that we have so many things in common.

Minsan itong nagdala ng lasagna sa school na pinagsaluhan naming lima. Hindi daw siya ang nagluto nun pero 'wag na daw kaming maghanap ng ibang magluluto at kumain na lang. Hahaha!

Mali ba kung iisipin kong... nung binuksan ni Richard ang lalagyan, si Isaac ang unang pumasok sa isip ko? Kasi diba nagdala siya nun sa bahay? Hindi ko man lang natanong kung siya ba ang nagluto. Naalala ko pa, ni hindi man lang ako nagpasalamat. Kawalanghiya ko talaga eh no?

Naalala ko lang na sinabi niya, "If that is your way of thanking me, you are welcome."

Bigla akong nalungkot. Kamusta na kaya siya? Madalas ko kasi siyang makita na laging may bitbit na kung anu ano at laging papunta sa SC office. Hindi ko na siya nakikita sa library pero lagi niyang kasabay si Haidee kapag umuuwi.

Bigla siyang nawala sa radar ko. Si Gabriel na kasi ang nagtuturo ng Physics sa akin. Hindi siya boring magturo. Effective siya pero alam mo 'yun? Naghahanap ako ng sarcastic comments, pagsusungit kapag mali ang sagot ko and that I even miss the Physics "decoding game" kahit minsan lang namin nagawa.

Para nga akong gago, I even suggested kay Gabriel na mag-salamin.

Meron pa akong isang sasabihin diary. Hindi nawala ang mga blue na post it note na nakadikit sa locker ko. Kung hindi broken heart ang nakalagay, sad face and minsan, may kasama pang puting flower.

May one time na nakatanggap ako ng "I Miss You" and "I wish I could bring back the time."

Since madalas na kaming magkakasamang lima, nakikita nila ang mga nakadikit na iyon at ang usual na natatanggap kong comments sa kanila ay:

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon