Chapter 35 - Will you wait for me?

60 4 5
                                    


Dear Diary,


Iyak ako ng iyak kagabi. Gusto ko tawagan si Gabriel to ask, to get angry, to shout at him and to even punch his face. Kaso alam ko na may pagkukulang din ako. I made him wait na hindi naman dapat. If only I found out about what I feel for him much sooner, siguro hindi magiging ganito na kakailanganin pa niyang lumayo because I hurt him for way tooo much.

Pero diary, something happened that it felt like merong typhoon ngayon araw na ito. Lahat ng sakit inilabas ko na. Lahat ng sa tingin ko ay kailangan ko sabihin ay sinabi ko na. At lahat ng pwede kong gawin, ginawa ko na.

This morning, napakaagang dumating ni Isaac sa bahay at niyaya akong mag-breakfast. Nakapambahay lang ito at mukhang gusto lang talaga mag-agahan.

Sinabihan ko itong hintayin na lang ako sa living room para hindi naman ako naka-pyjamas at para naman makapaghilamos.

Matapos ko magbihis, bumungad sa akin ang isang sulat na kinuha ko sa bahay ni Gabriel kamakailan lang habang itinatali ko ang buhok ko. Natigilan ako at dahan dahan itong hinawakan.

Napangiti ako ngunit nasasaktan at the same time. This letter gave and takes me back to the memories of my younger gaga self. Pero ito din ang cause kung bakit nasaktan kami pareho ni Gabriel. This letter served as our reminder to run away from all the things that hurt na hindi kailanman naging tama.

Kaya naisipan ko itong ibulsa at ibalik kung saan o kanino ito nararapat.

-----

Matapos namin mag-breakfast ni Isaac, tahimik kami sa sasakyan niya habang nagmamaneho ito. Nagtatawanan naman kami kanina at hindi napagusapan ang nangyari kagabi. Hindi naman na talaga kailangan dahil alam ko na ang gagawin ko, at ang sasabihin ko.

Hawak ang sulat niya, binuka ko ang bibig ko para umpisahan na ang dapat kong sabihin ngunit hindi ito natuloy. Hindi ko namalayan ang dinaanan namin dahil malalim akong nagiisip. Pero nang mapagtanto ko, nasa harap kami ng gate ng bahay nila Gabriel.

Mabilis akong lumingon kay Isaac na diretso lang ang tingin at namumuti ang kamay sa higpit ng hawak sa steering wheel.

"Bumaba ka na." mahinang sabi under a cracking voice. The voice that everybody doesn't want to hear. Dahil isa itong sign that a person is about to or nagpipigil sa pagiyak.

Naguguluhan ako. Kanina lang naguusap pa kami at nagtatawanan. Napagusapan pa nga namin yung mga asaran namin nung highschool at kung ano ang mga ugali namin ngayon. Hindi ko 'to ma-gets.

"Isaac-"

"Please Gelay. Bumaba ka na." at ilang patak na ng luha ang pinawalan ng mga mata nito.

Hindi ko itatanggi, umiyak na din ako at mabilis na inakap si Isaac.

Naintindihan ko na. It is going to be the last breakfast that we will have. It is going to be our last meeting. It is going to be the last conversation that we have. We talked about the fun part of the past to remind ourselves that for once, naging masaya naman kami at babaunin niya ang mga ala ala na iyon sa pag-alis niya. This is goodbye.

I realized what happened sa resto. He planned it all along and helped Gab and I get through our reservations with the help of Jenny. He is the person who helped both of us realize kung ano ang totoong mga nararamdaman namin para sa isa't isa.

"But Isaac, hindi mo ako kailangang layuan."

"But I have to Gelay. Isa pa, nasa US talaga ang trabaho ko. Inisip ko ang lahat ng ito bago ko ginawa. Sana, 'wag mo sayangin ang pagkakataon na ito. Sabihin mo ang mga bagay na kailangan mo sabihin. Don't runaway just because it scares you. never leave someone hanging in the air dahil siguradong mawawala siya sa'yo. Madaling sabi, 'wag mo akong gagayahin. Meron lang akong isang favor before we part ways."

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon