Dear Diary,
Its been two days since nagkita kami ni Isaac. I can still remember what he said.
"Sana 'wag mo akong kakalimutan."
"Bakit naman kita makakalimutan?"
"And I hope tuwing maaalala mo ako, hayaan mong mangibabaw ang masasaya. Sana tuwing maaalala mo ako, mangibabaw ang magagandang ala ala nating dalawa."
I can literally feel his pain na wala na akong ibang masabi sa kanya kung hindi I am sorry at salamat.
However, this day is a bit different. He called me early in the morning to tell me na lalabas daw kaming dalawa. Niyaya niya ako ng lunch. Of course sumama ako kasi kahit nasa trabaho ako, meron naman akong lunch hours.
Sa totoo lang meron pa akong aftershock dahil sa nangyaring eksena two days before but then, hindi din naman maganda if magdu-dwell kami doon. Sabi ko nga sa kanya sa gabi na lang kasi baka mabitin kami. Ang sagot naman niya sa akin, hindi na daw siya pwede sa gabi kasi may lakad daw siya nun. To compensate daw, susunduin na lang niya ako sa work.
I agreed until lunch came.
We placed our orders at umupo sa bakanteng lamesa. Iniwan muna ako ni Isaac dahil magba-bathroom lang daw siya.
Hindi ko naman sinasadya, but I heard two people talking which I think, nasa bandang likuran ko sila.
"So ano? Hindi mo siya tinetext, hindi mo siya tinatawagan, hindi ka totally nagpaparamdam. I cannot believe you can actually do that."
"I have to." Mahina nitong sagot.
"But hello, I am a girl. Nakikita ko mahal ka niya."
"Feeling mo lang 'yon." Mahina pa din nitong sagot.
I somehow felt the need to listen at gusto ko sana lakasan din nung lalaki ang pagsagot sa kausap nito.
"Don't you think you are just assuming things? Kasi clouded ang isip mo sa tagal na ninyong magkakilala? Na sa tingin mo ganun lang talaga siya? You will lose her even more sa ginagawa mong ganyan."
Hindi sumagot ang lalaki.
"Una sa lahat, okay na ako sa ganito. She is not even mine to begin with. She never had a boyfriend because she was patiently and intently waiting for someone. Someone na kahit kailan, I could never replace. Besides, kaibigan ko lang talaga 'yon." Sagot ng lalaki at nasundan ito ng isang mahinang pagtawa na tila merong mga pangyayaring inaalala.
"Tignan mo ah. Sasabihin ko sa iyo kung bakit talagang magkaibigan lang talaga kami. Unang una, ilang beses ko na naamoy ang utot nun. Walang pakundangan umutot sa harapan ko at ganun din ako sa kanya..."
It immediately lit a bulb. Mag sumusigaw sa isip ko na tumayo at silipin sila pero mas malaki ang impluwensya ng boses na nagsasabing makinig lang ako.
"...Pangalawa, hindi ako ang tipo ng lalaki nun. Ang gusto nun yung mga nakasalamin, studious, yung mga matatangkad na balingkinitan. Yung taong tignan mo pa lang mukhang ma-authority. Yung mga mukhang mas matatapang pa sa kanya at kayang sakyan ang sayad niya."
Sumagot naman ang babae, "Hmmm. Talaga? Pero puro physical lang ang nabanggit mo. Hindi mo man lang ba naisip na may evolution ang tao? Tignan mo dati unggoy ka. Ngayon hindi na mapaghahalataan kasi nauso na ang shavers. I mean, lahat ng bagay may paraan para ma-improve at mabago. Gets mo ba?"
Judging sa sumunod na sinabi ng babae, mukhang tumango ang lalaki sa naunang sinabi nito.
"Oh 'yun naman pala eh. 'Wag ka magtago sa anino ng mga sinabi mo ngayon lang. 'Yan ang wall mo kung bakit hindi ka maka-move forward sa kanya eh. What is the use? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Ako sigurado ako mahal ka niya at ganun ka din sa kanya. Hindi pa lang niya nare-realize dahil pareho kayong in denial kahit ilan na kaming kumakaltok sa mga bungo ninyo."
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...