Chapter 6 - Assumerang Tunay

120 13 1
                                    

Dear Diary,


Pagpasok ko ng classroom, nakita ko nanaman ang upuan ko na may kung anu anong nakalagay. Para akong pupunta sa sagala na gulong na lang ng upuan ang kulang para maiparada na ang natatangi at kapita-pitagang ganda ko.

Joke lang siyempre.

Iba ang nakita ko ngayon. Simpleng simple lang. May isang translucent pink na balloon at isang malaking bag ng Clover Chips na may nakadikit na blue na sticky note at may nakasulat na, "Alam ko favorite mo 'to. 'Wag ka na malungkot. Aral ng mabuti ha?"

Napangiti nanaman ako. Napaday-dream ako pag-upong pag-upo ko at F na F ang pag-aalala at pag-aalaga sa akin ni Gabriel. Hindi ko nga lang maramdaman masyado kapag personal kaming nagkikita pero naiintindihan ko naman siya na gusto lang niya protektahan ang pagkababae ko.

Alam kong natatakot lang siya na baka maagaw ako ng iba.

Maya maya, pumasok na si Gabriel at napatingin lang sa akin. Panandalian siyang lumapit at para akong tinutukso na ewan. Sabi kasi niya, "Ayos ah." Habang titingin tingin sa mga balloons.

Tapos tinanong niya ako, "Nagugustuhan mo ba 'tong mga ganito?"

Gustong tumalon ng puso ko na kahit hindi naman niya diretsahang sinabi sa akin na siya nga ang nagbibigay ng mga 'yun, binigyan niya ako ng hint na mukhang siya nga talaga!

Ayoko mag-assume kahit pinanganak na akong assumera. Gusto ko pa din marinig sa mismong bibig niya kung siya ba talaga ang nagbibigay nung mga 'yun o dapat na lang ako makuntento na kinikilig ako sa kanya.

Maya maya lumapit na sa akin si Steffi at Andrea at kinikilig na nagsabi na "Ang cute naman! Parang gusto ko manghula kung sino ang nagbigay nito."

Pumunta na si Gabriel sa grupo niya sa likod ng classroom namin habang tinutukso niya ng mga ito na "Kasi naman Gab pumayag ka na!"

Excuse me. Papayag saan? Hindi kaya ako nanliligaw! Sa hinhin kong ito?!

Pinanganak na assumerang tunay,

Gelay

v}\��L�

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon