Dear Diary,
Panibagong araw nanaman. Mabuti at sabado ngayon kaya walang pasok at makakapagpahinga ako. But still, nakatulog ako ng umiiyak kagabi nang makita ko ulit ang lahat ng "souvenir" sa akin ni Gabriel at ang ilang pictures na kasama si Steffi. Nalulungkot ako and at the same time nagagalit ako.
Nakadagdag pa sa sama ng loob ko ang blue na post it note na nakita ko sa locker ko bago ako umuwi. Nakalagay kasi, "I hope makita na kitang nakangiti sa Monday."
Mas mahaba ang sinabi niya ngayon kumpara sa mga one liner niya dati. Pero pucha, bakit lagi pa din siyang nagdidikit ng mga post it note sa locker ko?
Parang gago. Sana kapag nakita ko sila sa lunes, makapagpigil ako. As much as I want to keep all these, hindi ako makakarecover sa pangtitrip na ginawa niya at ng mga kabarkada niya sa akin. This has to stop. I don't want any more of this.
Kahapon after school, tulad ng napagusapan, nagkita kami ni Isaac sa library kasama si Andrea.
Alam mo diary, sa'yo ko lang aaminin ha, in fairness magaling mag-explain si Isaac. Si Andrea naguluhan nung una pero since hindi naman siya kasing hina ko sa Physics, nakuha naman niya kaagad. Medyo nababadtrip lang ako kasi kapag si Andrea ang nagtatanong, maayos siyang sumagot. Pero kapag ako, para akong batang pinagagalitan.
But eitherway, nakatulong siya talaga.
But nung turn ko na sa Filipino subject, sinubukan ko siyang pagalitan tulad ng ginagawa niya sa akin pero ang ending, ako pa din ang barado.
Ang dami niya talagang alam eh. Dapat sa kanya pinapatumba na! Oops, joke lang!
Merong isang nangyari ngayon na medyo nasorpresa ako. Nung andun ako sa usual tambayan ko sa baba ng bahay, nag-sounds lang ako habang nagbabasa ng libro –pero hindi Physics. Binabasa ko ang "Wag Ka Na Kasing Maarte Please" na nakita ko sa Wattpad dahil medyo nakakarelate ako sa mga character sa story.
Sa sobrang seryoso ko sa pagbabasa, hindi ko namalayan na hapon na. Kumakalam na ang tiyan ko pero tinatamad ako initin yung niluto ng lola ko para sa akin kanina.
Eh mabagsik ang alaga ko sa tiyan, kaya wala akong nagawa kundi tumayo. Kaso biglang may nag-doorbell. Pagsilip ko sa may gate, nakita ko si Andrea at masayang masayang kumakaway.
"Oh, anong ginagawa mo dito? Napadaan ka ata?"
"Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Hmmm... sabihin na lang natin na ito ang continuation ng pag-aaral natin sa Physics at Filipino."
Nanlaki ang mga mata ko, "Ano?! Andrea sabado ngayon! Awat muna! Tsaka wala naman tayong quiz sa Filipino bakit pati Filipino magre-review tayo?"
At biglang sumulpot ang Isaac mula sa likuran ni Andrea na lalo pang nagpalaki sa mga mata ko, "I guess we could use this day to study. Hindi tayo restricted masyado sa oras and it's safe."
Hinatak ko si Andrea papasok ng gate, "Anong ginagawa mo dito?!"
"Huy girl, kakasabi lang ni koya mag-aaral tayo. Ano bingi lang?" sabay mahina akong siniko ni Andrea.
Umiling iling ako, hindi pa rin makapaniwala. Isaac? Pati weekend hindi patatawarin?!
"Is that how you treat your guests?" walang emosiyon niyang sinabi sa akin.
Hindi ko na sila nasagot na dalawa. Kasi meron akong naamoy at tingin ko galing ang amoy na 'yon sa kung ano man ang nakalagay sa eco bag ni Isaac. Punyeta amoy spaghetti! Naglaway ako lalo na nung naisip kong napakarami nitong keso. Tapos napansin ko din ang isa pang plastic bag na may mga laman na chichirya at soft drinks.
![](https://img.wattpad.com/cover/56553327-288-k466265.jpg)
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...