Chapter 9 - Magandang Araw

98 13 2
                                    

Dear Diary,

Umagang umaga, pagdating ko sa locker ko, may nakalagay doon na sticky note na blue pa din at may nakasulat na, "Focus okay?"

Oo nga pala, may Physics kami ngayon at natatandaan ko ang sinabi ni Gabriel kahapon na ang secret niya sa matataas niyang Physics scores ay naka-focus talaga siya.

Hindi man niya direstahang inamin na siya nga 'yon, pero naiintindihan ko pa din siya. Gusto niya ng surprises! Hahaha!

Pagpasok ko ng classroom, nag-gulat gulatan nanaman ako dahil may balloon nanaman at... may sulat na nasa isang puting envelope.

Mabilis pa sa kidlat, katabi ko na ang dalawang kaibigan kong kulang na lang, kunin na nila sa akin ang sulat at sila na ang magbabasa. Kumikinang kinang pa ang mga mata.

And the letter says:

I am sorry for not telling you right away who I am.

But keep in mind that I will always be here, watching you from a distance, and wishing for your 100% focus on our Physics subject.

Yun na ang naging katapusan ng paghihinala naming tatlong magkakaibigan. Nag-look of love ako kay Gabriel at tatawa tawa lang ito sa akin.

"That's for you, Gelay. I hope you liked it." Mahinang sabi ni Gabriel. Matapos nun ay sumunod na ang malalakas na hiyawan ng boys sa likod.

Kinantahan pa ako ni Andrea ng "Ganda ganda, pakshet ng iyong ganda!"

---

Natapos ang Physics class namin na sa totoo lang, wala pa din ako masyadong maintindihan. Pero may pumasok sa utak ko kahit papaano nung nag-concentrate ako talaga.

Salamat kay Gabriel. Dahil sa kanya, mukhang mag-iimprove ang grades ko.

Nag-bell na, hudyat na magla-lunch na, kaming tatlo na lang ni Andrea at Steffi ang naiwanan sa classroom.

"Girl wait lang. Meron kami kailangang sabihin sa'yo." pagpigil sa akin ni Steffi na tumayo sa upuan ko.

Maya maya, nilabas ni Andrea ang cellphone niya "Girl, we acted like we don't know about this dahil ayaw namin na magkaroon ng hindrance para makarating ito sa'yo. Baka kasi sa sobrang dami ng fans ni Gabriel, gumawa sila ng paraan para hindi mo ito marinig."

"Anong ibig mong sabihin?" at bigla na akong kinabahan. Narinig ko ang pangalan ni Gab. Baka may gustong manakit sa kanya. Naku papatayin ko sila!

Nagtinginan si Andrea at Steffi at nagtanguan.

Pinarinig sa akin ni Andrea ang unang recording na na-capture sa cellphone niya.

"Sige pre. 500 kapag hinawakan mo ang kamay. 1000 kapag nahalikan mo. Deal?" mukhang boses ito ni Reinier

"Gago! Anong tingin niyo sa akin kapos sa baon? Bakit hindi kayo ang gumawa?" sigurado akong boses naman ito ni Gabriel.

"Eh ikaw ang trip na trip nun eh! Sige na 'tol! Easy money. Pambili din ng bala ng PS4 'yun!" buyo naman ni Tony

Narinig ko sa recording na napasinghap si Gabriel. Nakakatuwa naman, ayaw niyang---

"Sige. Pero pagkatapos na pagkatapos ibigay niyo sa akin 'yung pera ah! Magfu-food trip ako!" sabay tawa ni Gabriel

Am I really hearing this? Totoo ba ito? Ibig sabihin---

"Magagawa mo pa kumain pagkatapos nun? Ang tibay ng sikmura mo!" segunda ulit ni Reinier

At malalakas na tawanan na ang narinig ko mula sa grupo nila –kasama ang tawa niya.

Nahinto na ang recording "Paano mo nakuha 'yan Andrea?"

"Easy. Sa bandang likod ako nakaupo diba? Nakahiga ako sa desk and I pretended to be asleep lalo na nung narinig ko ang pangalan mo. Those guys are pretty reckless at napaka-iingay nila. Are you ready for the second one?" tonong may pag-aalala mula kay Andrea.

"We are sorry you have to hear this girl." Sabay hawak naman ni Steffi sa kamay ko.

Umiling iling ako "Mukhang kailangan ko pa nga magpasalamat. Sige na Andrea. Let me hear the second one."

Pinindot na ni Andrea ang play button at ito naman ang narinig ko. Mas mahihina ang boses nila sa pangalawang recording na ito.

Tawa sila ng tawa. Yung mga tawang halos hindi na sila makahinga.

"Putangina pare! Nung vini-video ko kayo nauumay ako! Ang korni ninyo. Pero kahit korni bentang benta kay Gelay! Hahahaha!" umpisa nanaman ni Reinier.

"Oo na, oo na. Akin na yung 1500 ko. Ilibre niyo ako ng lunch ha. Ginamit ko lunch money ko ngayon para pakainin pa siya dun ng kung anu ano. Lakas kumain." Sabi ni Gabriel.

Doon na nagumpisang mamuo ang mga luha sa mata ko. Takte hindi ako 'to eh. Madalas akong palabiro. Hindi ako umiiyak. Pero yung mga tawa na mula sa recording, ume-echo sa loob ng classroom namin.

"Libre na natin 'to. Nakakaawa eh. Para na din sa effort. Grabe nasikmura mo talaga si Gelay?"

"Oo, eh kagat na kagat siya eh. Oh sa susunod, mag-date naman kayo. Tatlong libo pre. Lahat kayo mag-aambag." Sagot naman ni Gabriel sa hindi magandang sinabi ni Tony.

"Hindi na uy! Nag-enjoy ka naman masyado. Namihasa ka naman ata sa pakikipagdate sa babaeng hindi man lang ata marunong magsuklay at maghilamos!"

At grabe na ang tawanan sa recording na narinig ko.

Panay ang hagod ni Andrea at Steffi sa likod nang marinig ko ang ilang yabag ng sapatos papalayo sa pintuan ng classroom namin.

Eitherway, ito na at tinatawanan na nila ako sa likod ko.

At kung laro ang gusto nila, sige, for once, babasagin ko ang trip nila.

Kahit hindi na ako tuluyang nakapag-lunch at iyak na ako ng iyak.



Galit na galit,

Gelay

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon