Dear Diary,
Dumaan ang intrams at siyempre ako ang kanyang silent cheer leader. Sa sobrang silent, pati yung mga may utang sa akin sa school pinandilatan ko ng mata para i-cheer siya dahil kung hindi, sisingilin ko sila at kapag hindi sila nagbayad isusumbong ko sila sa mga magulang nila na ang babata pa nila marunong na sila kumatkong.
Sila ang sumigaw ng pangalan ni Gabriel at ang nagwagayway ng pinagawa kong banner para sa kanya. Kunware hindi ako ang may pasimuno kaya pinalagay ko na lang sa banner na ako ang nag sponsor in behalf ng batch. Kunwari wala talaga akong alam. Pati pom poms muntik na ako gumawa ng fund raising event. Joke lang. Pinandilatan ko lang sila ulit ng mata.
Mula nung araw na aksidente kong nasabi kay Gabriel ang himutok ng aking puso at atay, nakakatanggap na ako ng mga sticky notes araw araw. Lagi ko na siyang ineexpect at walang humpay akong napapangiti ng mga ito. Meron na nga akong memorabilia box eh. Medyo madami na kasi. Mas madalas na nga ngayon. Kung dati tuwing umaga lang, minsan kahit lunch at bago ang dismissal meron na din.
Ang sarap mainlove. Pero yung grade ko sa Physics lagpak na. Bwisit naman kasi yung mga kaibigan ko. Nung nag group study kami wala namang kinahinatnan kundi chismisan. Unfair lang kasi sila pasado ako hindi.
Naiisipan ko na din lumapit kay Isaac kasi isa siyang pinagpalang tunay. Hindi ko siya masyado nakikitang nag-aaral pero siya ang laging may top score. Sinubukan ko siya minsang aralin mag-isa, si Crispin at Basilio ang hinanap ko. Kaso, meron siya kasing laging kasamang babae na taga kabilang section. Si Haidee. Baka kapag kinausap ko si Isaac para magpatulong, imbes turuan ako, itali pa ako sa flag pole.
Hay.
Pero dahil na din sa sobrang pag-iisp ko, hindi ko namalayan na nasa locker room na pala ako at kasalukuyang nakatitig sa isa nanamang post-it note na kulay blue na nakadikit dito.
Ang nakalagay sa post it, "Ang baba ng score mo sa Physics. Papaano kaya kita tutulungan?"
Napangiti akong bigla dahil just when I thought of asking help kay Isaac na hindi ko naman nakakausap maliban lang kung magmamaakawa ako na pakopyahin ako ng assignment, here comes Gabriel asking me if he could help.
Sino ba naman ako para tumanggi?!
Walang balak tumanggi,
Gelay
![](https://img.wattpad.com/cover/56553327-288-k466265.jpg)
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Comédie(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...