Chapter 8 - Pambawi sa Bwisit

120 11 1
                                    

Dear Diary,

Sa sobrang lakas ng impact ng sinabi sa akin ni Isaac, halos mag-hapon ata akong napa-emote. Hindi ako na-excite sa mga natanggap kong sticky notes na nakadikit sa locker ko. Matik naman na si Gabriel ang nasa isip ko na sumusulat nito.

Kaninang umaga, nakalagay sa sticky note "Please let me catch a glimpse of your smile today."

Tapos bago mag-lunch, may nakalagay nanaman doon na sticky note that says "Do you still need help?"

Wala akong nararamdamang kilig. Tahimik lang ako halos hanggang sa nangalahati na ang araw. Kung nakikita man ako ni Isaac na ganito, magbunyi na siya. Nagtagumpay siya sa pambabadtrip sa akin.

Totoo naman ang sinabi niya pero kaya nga ako nanghihingi na ng tulong kasi nahihirapan ako dahil sa mga kagagahan ko. Pero unlike before, hindi ko sinasabi sa kanya na pakopyahin niya ako.

Nung lunch time na, tinapik ako ni Andrea "Hoy 'te, ano 'yan?" sabay nguso nito sa akin.

"Anong ano ito?"

"Ay gaga. Bakit para kang nagpa-botox na hindi pwede ngumiti? Magsalita? Kanina mo pa kami dinedema ni Steffi ah!" may nagtatampong tono sa boses ni Andrea.

"Wala naman. Iniisip ko lang kasi lagpak na lagpak na ako sa Physics. Ang hirap nang habulin nung mga bagsak ko. Papaano ako papasa sa college entrance exams nito eh ang pangit pangit ng grades ko?"

Sabi naman ni Steffi, "Girl, kasi naman, sinabi na namin sa'yo nung una pa lang na hinay hinayin mo na. Pumetiks ka kasi ng sobra kaya naghahabol ka na ngayon. Kung mga 84 or 85 safe na sana 'yon nung mga unang quarter."

Ginulo ko ang buhok ko dahil natress lang ako lalo sa sinabi ni Steffi.

"Tsk. Oo na. Na-stress lang ako lalo sa sinabi mo eh! Kapag magkakasama naman kasi tayong tatlo, nagiging daldalan lang. Kaya pasensya na din kung hindi tayo masyado magkakasama sama muna. Kung walang tutulong sa akin, kailangan ko 'to gawin ng solo. Banat na talaga."

"Eh—how about Gabriel? Bakit di mo subukan? Eh diba siya yung achuchuchu mo ngayon?" tanong ni Andrea.

"Hindi ko nga alam eh. Sigurado naman ako na siya ang nagbibigay nun pero hindi naman niya ako kinakausap ng personal. Maliban na lang kapag may mistulang banderitas sa upuan ko sa umaga. Ewan ko, bahala na."

Bumili na kami ng mga pagkain namin at naupo sa mahabang lamesa sa bandang gitna. At sa kabilang table, andun si Isaac at si Haidee.

Tinanggal pa nga ni Isaac ang salamin niya para punasan at ibinalik din pagkatapos. Bagay na bagay sa kanya ang black-rimmed glasses niya. Disenteng disente siyang tignan pero KUPAL NA KUPAL NAMAN!

LECHE. Tinamaan talaga ako sa sinabi niya. Bwisit na bwisit ako. Sana hindi ko na lang sinubukang lumapit sa kanya at magtanong. Sana diniretsa ko na lang si Gabriel. Dahil sa kanya hindi na ako makapag-joke at hindi ko na napapansin ang mga effort ni Gabriel my labs.

Di bale. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, babawi din ako kay Gabriel.

Nilihis ko na ang tingin ko at sinimulan ko nang kumain. Sa likod namin nila Steffi, andun ang mga barkada ni Gabriel na ang iingay.

Salamat sa kanila, ramdam ko ang pag-chi cheer nila sa loveteam namin.

Maya-maya pa, lumapit si Gabriel sa lamesa namin at inilapag sa harapan ko ang isang maliit na box ng Ferrero Rocher na may kasamang maliit na sulat.

"After school, lakad tayo kahit sandali lang. May gusto akong aminin sa'yo. -Gab"

Naghiyawan ang mga boys sa likod namin at kilig na kilig naman ang Andrea na halos masuntok na ako.

---

30 MINUTES BEFORE DISMISSAL

Nakakumpol ang mga boys sa likod na parang may pinaguusapan at panay ang pang-aasar kay Gabriel. Kinikilig din naman ako ng slight dahil most likely, aaminin na niya na siya ang nagbibigay ng mga regalo at nagdidikit ng post it notes sa locker ko.

Sabi ko na nga ba eh. Siya lang talaga ang prince charming ko. Ang sweet niya talaga. Hindi niya ako kinakahiya. Kahit inaasar na siya ng mga kaibigan niya, ok lang sa kanya.

And then, after that, nilapitan ako ni Andrea "Girl, I know this is sudden but, pwedeng 'wag ka na muna tumuloy sa lakad niyo ni Gab after school? I have a bad feeling about this."

Lumitaw din naman si Steffi na naka-krus ang mga braso "Diba meron ka pang Physics that you have to deal with?"

"Oo pero bakit? Hindi naman kami magtatagal. Ano ba kayo mga girls, minsan lang naman ito. Antagal kong crush si Gabriel at alam na alam niyo 'yun. Diba? Promise sandali lang ako. May sasabihin lang siya. Kiligin naman kayo!" sinubukan ko silang biruin.

Nagtinginan ang dalawa at nagsalit si Steffi "Still, walang confirmation na si Gabriel nga ang nagbibigay ng mga 'yon. Paano kung trip trip lang? Ayaw lang namin na—"

Tinaas ko ang dalawang kamay ko "Naiintindihan ko kayo mga friend. Kaya nga ako pupunta para sa mismong confirmation na 'yun kaya hayaan niyo na din ako. Please? Hindi naman ako siguro papatayin ni Gabriel."

Andrea and Steffi sighed in defeat pero nag-iwan si Andrea ng isang reminder "Don't tell us we did not warn you."

Sabay balik nila sa mga upuan nila.

At natapos na nga ang school hours, dumiretso ako sa locker room para ilagay ang ilang mga libro at as usual, meron nanamang sticky note na nakalagay doon.

Sabi sa note, "Take care always."

Aba siyempre naman! Para sa'yo Gabriel, aalagaan ko ng higit pa sa pag-aalaga ko sa naligaw na manok sa bahay namin para magkasama tayo hanggang sa pagtanda natin!

So lumabas na nga ako at andun na si Gabriel sa gate at nagaantay sa akin. Nakapamulsa ito at hinihipan ng hangin ang magaganda at bahagyang mahaba nitong itim na buhok.

Naghiyawan ang mga kabarkada nito pero ang ibang mga babae naman ay pinapatay na ako sa talas ng mga tingin nila. Pero baka ganun lang ang pagpapakita nilang dalawa ng suporta para sa amin.

Maya maya pa, naglalakad na kami sa labas ng campus. Nilibre niya ako ng mga kung anu anong makikitang pagkain sa labas ng campus at nag-usap kami kung gaano "kahihirap" ang mga subjects namin.

What's odd is, nung tinanong ko siya kung pwede akong magpaturo sa kanya, he declined in a way na hindi naman nakaka-offend. Sabi pa nga niya, "I can't promise na matuturuan kita palagi kasi the only reason bakit mataas ang grade ko is sobrang focused ako. But don't worry, I will do my best."

Anak ng! siyempre kinilig naman ako!

Isang oras na pala ang nakalipas at pagbalik na ulit kami sa campus. Napahinto kaming dalawa sa paglalakad nang bigla siyang nag-shift ng pwesto sa harapan ko.

Shocks, ganun kalapit ang mukha naming dalawa. Ganun kalapit ang mga mata niya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ang gwapo niya sobra! Ngayon ko lang siya natitigan ng ganun katagal ang I find myself...

Sa sobrang bilis ng nangyari, ang huli ko na lang na naalala ay ang pagdikit ng labi niya sa noo ko.

Nabilisan sa mga pangyayari,

Gelay

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon