Dear Diary,
Hindi ko itatanggi that Isaac looked gorgeous. Very gorgeous in fact. Totoo din na masaya akong nagkita kami ngayon. Pero may ilang mga pangyayaring hindi ko inaasahan. 'Wag ka mag-alala diary. Ikukwento ko.
Una sa lahat, nagkita kami sa pinakamalapit na mall. I was happy because nung magkita kami, he is all smiles. Yung ngiti na magtatanggal sa mga lungkot na nararamdaman ko. Sa hindi ko malamang dahilan, bumilis at lumaki ang mga hakbang ng mga paa ko palapit sa kanya and buried my face on his chest.
Hindi din naman nagtagal, his arms caged me on his tight embrace.
"What's wrong?" he asked.
"Isaac—" na lang ang nasabi ko.
Hindi ko na siya nasagot. Umiyak lang ako ng umiyak. Isaac never let go. Nakaakap pa din siya sa akin as he try to calm me down. Sa sobrang kakaiyak ko, nahirapan akong huminga.
It took me quite a while before fixing myself up. Pagbitaw ko kasi kay Isaac, kita ko ang mga bakas ng luha ko sa polo shirt na suot niya.
Pinunasan ni Isaac ang mukha kong basang basa. Walang kahit anong word na lumabas sa bibig nito but his eyes are just simply full of curiosity and questions.
"I am sorry Isaac. I am so sorry. Ang sakit na kasi Isaac. Ang sakit sakit na."
Hindi ko din alam bakit ako nagsosorry sa kanya. Ang alam ko lang kasi, ang sakit ng ko nararamdaman ko. Ang sakit sakit. Hindi ko alam paano ko sasabihin kaya bumuhos ang lahat sa mga mata.
"I understand. Alam mo, since hiniram ko na din ang araw mo, I wil take you to a place na mailalabas mo lahat 'yan. Usap tayo. I promise makikinig ako.
I answered him with a smile and hopped on his car.
Tulala lang akong nasa sasakyan ni Isaac. Hindi ko na namamalayan ang paligid kung saan ba ako dadalhin nito. Yung sabaw levels ko is yung tipong masa-salvage ako ng wala akong kaalam alam. Yung mga ganun.
Mabuti na nga lang at si Isaac ang kasama ko dahil hindi talaga malayong mangyaring masalvage ako kung sa iba lang ito.
Nang makabalik na ako sa ulirat, sa Batangas niya pala ako dinala.
Huminto ang sasakyan niya sa isang kainan na simple lang, kubo ang style, presko, kitang kita ang taal at may area na pwede talaga kaming mag-usap ng masinsinang dalawa nang walang nakakarinig.
Napangiti ako, "Antagal mong nawala dito sa Pilipinas. I am pretty amused kasi alam mo ang lugar na ito."
"Gel, may internet na po. Matagal na." Sagot nito sa akin na tatawa tawa.
Nginitian ko lang din ito at hindi na napigilang matawa. Kasi may point siya eh haha!
"Nadali mo ako dun ah!"
----
After namin kumain, nagkaroon ng katahimikan.
Dinadama ko lang ang pagdampi ng malamig na hangin sa mga pisngi ko and for some reason, Isaac is looking at nowhere. Anlayo ng tingin, mukhang may malalim na iniisip.
Habang tulala ito, I took the time to look at his beautifully framed face.
Kasunod na noon, ay ang pag-flashback ng mga magandang ala-ala na hindi ko akalain na babalik sa araw na ito.
Yung panahong sinusungitan niya ako, nung mga panahong niloloko ko siya, yung mga panahong kinukulit ko siyang turuan ako ng Physics, mga panahong dumalaw ito sa bahay namin na may dalang spaghetti (yata? Basta alam ko maraming keso yun!), nung galit na galit siya dahil pinagtulungan ako ng fans ni Gabriel... lahat naalala ko.
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...