Dear Diary,
Today, pumunta ako ng simbahan. Para akong baka kanina kasi humagulgol na ako. Sa pintuan pa lang ng simbahan, para na akong baliw na konti na lang mapapaluhod na ako sa sahig. Gusto ko magsumbong sa Diyos. Siya ang tinakbuhan ko. Kahit hindi niya ako diretsong masasagot, alam kong hindi ko basta mapagiisipan ng ganung kabilis ang mga desisyon ko.
Lahat ng nararamdaman ko sa mga pagkakataong ito, binato ko lahat sa itaas. Hiniling ko na tulungan ako. Alam mo naman diary, medyo slow kasi ako. Sobrang nabilisan ako sa nangyari kahapon. Nung una wala akong iniisip but just simply appreciating him tapos the next minute ganun na ang nangyari. Naging seryoso na kami.
Never mind me. But I want to know bakit siya nagsabi ng ganun? Dahil ba sa natututwa siya kasi malaking posibilidad na magkakabalikan na sila ni Jenny?
But then, mabilis akong sinagot ng Diyos. Sa lahat naman ng araw, nakita ko si Gabriel na nakaupo at nakatingin lang sa malaking krus na nasa altar. Ang siste pa, hindi siya nag-iisa.
Madali kong namukhaan ang kasama niya dahil minsan na din akong kinausap nito. That girl appeared to be Jenny. Tumingin ako ng maigi sa kanilang dalawa, but as I looked at the two of them, diretsahan ko nang masasabi na nasasaktan ako. The way he smiled at Jenny is so sweet and innocent. The way he looked at her seems like he is appreciating her and reminiscing at the same time.
Tumingin ako sa malaking krus at bumulong, "Ang sakit po. Pero nagpapasalamat ako dahil binigyan ninyo ako ng sagot kaagad. Ang lakas ko po talaga sa inyo. Pero meron po sana akong hihilingin..."
Tinignan ko silang dalawa sandali at ibinalik ang mga mata sa krus.
"Huwag niyo lang po hayaang malungkot si Gabriel. Sana po this time, it will be perfect and smooth. Sana po 'wag niyo po hayaang makita o maramdaman niya ang totoong nararamdaman ko dahil ayoko po ng issue sa kanila. Andiyan ka naman po kaya I know I will be okay. I am happy for him pero Lord, aabusuhin ko na po. Please help me organize my thoughts. Please don't let this pain be the reason for a bad judgment."
Few moments later, umalis na ako at dumiretso pauwi. Ayoko magmukhang tv series ang araw na ito. Baka mapalingon at makita ako. Basta ayoko.
Ikaw diary ang una kong naisipang buklatin. Pwede naman ako mag-blog or online journal but you know... we shared something so special kasi andami mong alam tungkol sa akin. Kaya thank you ha? Pasalamat ko na lang talaga walang ibang nakabasa sayo.
Ilang oras na din ang lumipas mula nang makita ko sila but then, meron akong trabaho but cannot seem to organize an idea. I have deadlines and marami pa akong kailangang matapos na submissions. Kaya ayun, I took all the time in the world at inumpisahang ayusin ang kwarto ko. Konti na lang kasi aahasin na ako.
Mukha ng gubat sa gulo.
Matapos iyon, binuksan ko ang laptop ko at nagsimula akong magbukas ng isang e-mail and it says that I have a certain topic to read and make a write up about.
About closures. Not property/ business foreclosure. Rather, a relationship closure.
I wanted to try my very best to make it sound as "business-y" as possible. Pero takte. Isa lang ang pumapasok sa isip ko. That is yung pag-uusap namin ni Gabriel kahapon. I did some research about it but bakit kaya ganun?
Kapag nagsusulat ako tungkol sa ibang topic, I am confident that I am able to deliver great results. Pero kapag ang topic pala like this ay merong pagkakahawig sa nangyari sa buhay mo, nag-aagaw ang mga nakikita kong facts against sa mga sarili kong paniniwala.
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...