Dear Diary,
Today, kakaiba ang natanggap kong post-it note. Wala siyang nakasulat maliban sa isang malaking sad face. I wonder kung bakit. Pero I really have no time for this sa ngayon dahil kailangan ko na talaga ng resbak sa Physics dahil lumalala na ang score ko at nade-depress na ako.
Kapag ako na-depress, hindi na makikita ni Gabriel ang mapagmahal at ang malambing na totoong ako.
Wala naman kasing kwenta sa ganito ang mga kaibigan ko dahil kahit hindi sila mag-aral nakakapasa sila. Kainis. Si Gabriel nowhere to be found, na naiintindihan ko naman dahil nga ayaw niyang awayin ako ng ibang mga girls na nagkakandarapa sa kanya.
Ang sweet niya sobra. Touched na touched ako kahit hindi naman niya ako hinawakan.
Nakita kong mag-isa si Isaac sa library at seryosong nagsusulat sa notebook niya. Nilapitan ko siya at hinampas ko ng malakas ang likod. Kaya malakas ako manghampas, kasi haplos talaga ng pagmamahal 'yon. Nakarami nun si Andrea at Steffi at sigurado akong they feel so honored in me doing that.
Napa-aray si Isaac sa sobrang sarap ng haplos ko at nilingon ako. Hindi siya makapaniwala na ganun ako kahinhin kaya nagsalubong ang kilay nito. Wow magandang senyales ito. Kasabay pa ng pagtingin niya sa akin ng matalim.
Nilapag ko ang libro ko sa Physics pati ang bag ko sa lamesa at tumabi sa kanya.
"Excuse me? What do you think you're doing?!" mataas ang boses niya ha. Siguro na-excite ko siya? Iba talaga ang kamandag ng haplos ko!
Ininglish ako kaya dapat sasagot din ako sa kanya ng mas may dignidad!
"Nanung buri mu?! Bakit ka makasalita ng makanyan?!" kasama pa ang pagdilat ng magaganda kong mga mata.
Napanganga si Isaac sa sinabi ko. Oh ano?! Naintindihan mo ba 'yon?! Akala mo ako lang ang papayag na dudugo ang ilong kaka-English mo?! Pinoy to huy! Mahalin ang sariling atin?
Napailing si Isaac "What?!"
Ipinatong ko ang kaliwang braso ko sa lamesa at ipinatong sa kamay ko ang ulo ko pagkatapos "Haaay, ayan kase. Magaling sa Math pero mahina sa Filipino. Ang sinabi ko, 'Anong ibig mong sabihin, bakit ganyan ka magsalita'. Gets mo na? Kapampangan 'yon. Pero naririnig ko lang 'yun sa kapitbahay namin."
At ngumiti ako sa kanya ng waging wagi.
Binalik niya ang atensyon niya sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya at wala na ata akong balak pansinin.
Kung iisipin dapat naman talaga hindi ako lalapit sa kanya kasi bihira kami mag-usap at lagi niya kasama si Haidee. Jowa niya nga ata 'to.
Hindi kaya--- nag-away sila kaya nasusungit 'to?
"Isaac, sige na please. Wala na talaga akong malapitan eh. Isabay niyo naman ako sa pag-graduate ninyo. Wala na akong pag-asa sa Physics. Ikaw lang ang alam kong may anting anting dun." pagmamakaawa ko. Sana lang tumatalab din ang pagpapa-cute ko.
Walang lingon lingon, singot ako ni Isaac "Why not ask your friends? Pasado naman sila palagi ah."
At slight akong nag-tantrum na parang bata "Iiiihhhhh... hindi naman nila ako tinuturuan eh! Kapag nagpapaturo ako chismis ang nangyayari. Sige na please? Kahit may tutor's fee pero sana presyong magkaibigan lang ah."
Napahinto ng pagsusulat si Isaac at ipinaling ang tingin sa akin "How about Gabriel? He is always getting the second top score, next to mine. Mas matutulungan ka nun. Besides, I don't want to be involved with any kind of trouble."
Nagulantang ako sa word na trouble na sinabi niya. Feeling ko nga na-offend ako ng slight. Bakit ba ang sungit nito? Dahil nga ba sa may LQ sila?
"Anong ibig mong sabihin? Tsaka bakit kailangan mong mag-English?"
"What I mean is, I am not the guy who would help a damsel in distress. And if you have problems with me speaking in English, it would be better if you---"
Tapos natigilan si Isaac sa pagsasalita nang ibagsak ni Haidee ang mga libro na kinuha nito sa lamesa. Actually nagulat nga din ako.
Namewang ito at nakataas ang kilay. Shit, hindi ko nilalandi si Isaac! Takte!
"Is that the right attitude in talking to a lady? Huh, Isaac?"
Mukha siyang authoritative at nasasabayan niya ang sungit ni Isaac.
"She is asking me for a favor and I said no. What is the problem with that?" aroganteng sagot ni Isaac.
"But who gave you the right to be rude in declining?" mas matapang na sagot ni Haidee
Nailang na ako dahil nakikita ko na sa gitna nila ang kuryente na nagsabong mula sa mga mata nila.
"I always talk like this."
"No, my darling Isaac. Of course you don't. You are also teaching me so why not lend a hand with someone who also needs it?"
"Hindi ako charity."
"Kahit sabi niya babayaran niya ang tutor fee mo?"
Hay salamat nag-Tagalog din sila! Nangangawit na nga ang leeg ko kakapalipat lipat sa kung sino ang titignan ko sa kanilang dalawa.
"I said I don't want to. My hands are full."
"But you, being rude, has to be punished." At nag-krus ang mga braso ni Haidee na matalim pa sa bagong hasang kutsilyo ang tingin kay Isaac.
At si Isaac naman, hindi nagsasalita pero kita sa mga mata niya ang mariing pagtanggi.
Sa sobrang ilang ko, nagpaalam na ako sa kanila "Uh, o-okay lang. Pa-pasensya na sa istorbo ha? Hi-hindi ko naman pinipilit talaga si Isaac. I just tried. Wala kasi yung mga kaibigan ko tsaka nauna na umuwi si Gabriel kaya—"
"Sit down." In chorus nilang sabi sa akin ng hindi man lang ako tinitignan. Para nila akong inuutusang dalawa. Natatakot na ako sa kanila dahil nag-iba na ang aura nila.
Shit talaga. Baka isipin ni Haidee nilalandi ko si Isaac. Hindi ganun 'yun! Hindi talaga. Aminado naman akong pogi ang jowa ni atey, pero si Gabriel lang talaga ang laman ng puso at balunbalunan ko.
Lumingon sa akin si Haidee at ngumiti ng pagka-ganda ganda. Ang bilis ng shifting mula sa pagiging galit! Pero kahit nakangiti, kita ko sa noo niya ang naghuhumiyaw nitong ugat.
"Pasensya ka na ha? Marami kasing kailangang tapusin si Isaac pero he will promise to make it up once matapos niya 'yun lahat. I can lend you some of my notes na galing din sa kanya para may reference ka for the meantime." Inabot sa akin ni Haidee ang papel pero bigla itong hinatak ni Isaac para kunin.
"I said, my hands are full. Madali lang ang Physics kung seseryosohin niya. Wala akong oras para turuan ang taong sarili na nga lang niya ang iintindihin, hindi pa magawa. Tagalog 'yan ha, para siguradong naintindihan niya din. Uulitin ko, ayoko."
Sabay kuha ni Isaac ng bag at mga notebook niya and headed towards the door of the library.
Napabuntong hiniga na lang si Haidee "Pasensya ka na dun ha? There are really days na ganyan siya. Kahit ako nasusungitan nun, hindi lang madalas."
Kahit natememe ako sa sinabi ni Isaac, pinilit kong sagutin si Haidee dahil mukha naman siyang mabait at maayos kausap "T-talagang... pamilyar na kayo sa isa't isa ano?"
"Oo naman. Pero minsan nga iniisip ko siya ang babae sa amin dahil mas madalas siyang may mood swings. He really doesn't mean what he said so, can you let this one pass? I will make it up to you. I promise."
Ang ganda ganda ni Haidee. Naka-half ponytail lang ang pula at makintab nitong buhok. Ang hahaba ng pilik mata at ang pupula ng labi. No wonder madalas magiging tampuhin si Isaac kasi hello, malamang heartthrob ang jowa niya.
Pero bakit kaya ganun?
Ang sakit naman nung sinabi sa akin ni Isaac. Sa sobrang tumagos sa akin, hindi ko magawa mag-joke. But I find myself going out of the library with a couple of tears that fell down.
Nawala sa mood,
Gelay
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...