Dear Diary,
Natapos na ang grad ball namin at aaminin kong na-drain ang energy ko. May kahabaan ito. Ibubuhos ko na ang natitira kong energy dahil baka matagal tagal akong hindi makapagsulat. Ewan ko lang. Hindi ko sure.
Since yesterday na nakuha ko ang roses at ang huling sticky note na iyon, wala na akong pakialam sa mga susunod pang mangyayari. Nakakapagod din pala kasi ang maghintay na mukha ka ng tanga sa sobrang pag-aanticipate mo. Mas malala pa ito kaysa nung nalaman kong pinagtripan lang ako ni Gabriel noon.
Yung ngayon kasi, antagal na niya akong pinaghihintay at mukha na akong tanga sa kakaisip kung sino siya. Nakakainis ang paghihintay.
This is supposed to be a grad ball. Matik, masaya dapat. Bakit ako umuwi ng bahay at iyak ako ng iyak?
Everything went well at first. Hindi ko na naisip kung meron mang mangyayari pa o wala. Basta puro tawanan lang but not until nung dance na.
Ako na lang ang naiwan sa table dahil si Gabriel ay kasayaw si Steffi. I was looking at them at kahit mag-"ex" sila, they look like old friends. Nakita ko pa ngang kinaltukan ni Gabriel si Steffi. They are sweet in the friendliest way. Basta nag-uusap sila.
Maya maya pa, si Man Jae na ang kasayaw nito at bumalik si Gabriel sa table namin at hinaltak ako para magsayaw. Hindi niya hiningi ang kamay ko like a gentleman should. Literal na hinaltak niya ang kamay ko. Nung tumatanggi ako, binuhat niya ako at itinakbo sa gitna ng mga nagsasayawan. Para nga akong batang nagmamaktol habang siya naman, tawa ng tawa na umiiyak na nga siya.
Sapilitan niyang kinuha ang mga kamay ko at halos ihambalos na ako sa kakaikot sa gitna. Tinapakan ko ang paa niya, "Ano ba! Baka pwede naman tayo magsayaw ng matino? Kanina ka pa tawa ng tawa diyan, ano ba ang nakakatawa? Isayaw mo ako ng maayos kundi ikaw ang kakaltukan ko!"
"Oooohh... now we are talking! Hahahahaha!"
Little by little, kahit hindi na siya humahalakhak, may mga namumuong luha sa mga mata niya. Tumingin ako sa mga mata nito na nakatingin din sa akin. Babagsak na dapat ang isang luha niya pero sinalo ko ito gamit ang kanang hinlalaki ng kamay ko.
Then I realized... He is hurting. Unang pumasok sa isip ko ay baka meron silang pinagusapan ni Steffi that made him feel this way. Hindi ko din itatanggi, nasasaktan din ako para sa kanya.
"Buti naabutan ko. Buti hindi tuluyang tumulo sa sahig. 'Wag kang iiyak dito." Napangiti ito sa sinabi ko. Malamang na-realize niya na ginaya ko ang sinabi niya sa akin nung nakaraan.
I cupped his face at bahagya kong nilapit sa kanya ang mukha ko, "Ssshhh... 'Wag ka mag-alala. Wala akong ipapangako. Wala akong gagawing masama. Pero andito ako Gab. Andito ako. Kahit gaano katagal mo gusto."
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tuluyan ng tumulo ang ilang luha mula sa mga mata niya. Inakap ako nito at dahan dahang ginalaw ang mga paa para mapasayaw kami ng bahagya. Maganda na rin ang ganito para hindi rin kami pagtinginan lalo at umiiyak na si Gab.
Kung normal na araw ito, kinulit ko na siya kung bakit. Unang beses ko siya kasi nakitang umiyak. But today is an exception. Hindi ko tinanong kung bakit, hindi ako nagtaka, hindi ako nangulit. For some reason, I feel his pain pero hindi ko mawari kung bakit. I feel like meron siyang hindi masabi. Pakiramdam ko grabe ang lungkot niya.
Wala na akong ibang nasabi kundi ang andito lang ako para sa kanya. Siguro ang weird lang, kasi I am also feeling the same way. I hate to see him this way. Gusto ko na magtanong pero something is stopping me. Paulit ulit ako diba? Kasi ganun siya katindi.
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...