Dear Diary,
In fairness ang hahaba na nga mga nasusulat ko sa'yo ano? I must be feeling really sad. Pagpasensyahan mo na din kung medyo mapapaemote ako ngayon.
Since that day sa couture, hindi na sinasagot ni Gabriel ang mga tawag ko. Nagrereply siya sa mga text ko pero napakaiiksi na lang. Kapag niyayaya ko siyang lumabas, lagi na itong tumatanggi dahil madalas na niyang kasama si Jenny. Pinuntahan ko siya minsan sa bahay nila pero palagi siyang wala. Hindi siya nagtatago katulad nung mga nasa teleserye na nagpapaimportante lang.
Pero alam mo, nung huling attempt ko, wala pa din siya sa kanila kaya pinakiusapan ko na lang ang mama niya kung pwede akong pumasok sa kwarto ni Gabriel kasi may kailangan lang akong usb na nakalimutan lang ni Gabriel iabot sa akin. Pumunta daw kasi si Gabriel sa mall at may binili.
Since matagal na nila akong kilala, hinayaan nila ako pumasok.
Nilibot ko ang mga mata ko sa kwarto ni Gabriel. Nakapasok naman na ako sa kwarto niya noon pero rare instance lang. I was surprised na meron siyang isang cork board na maraming pictures naming dalawa. Yung iba kasama ang mga kaibigan namin.
Sa totoo lang wala naman akong pakay sa pagpasok ko sa kwarto ni Gabriel. I know hindi maganda na nagsinungaling ako sa mama niya at hindi ko jinajustify iyon. Maybe kailangan ko lang makita ang kahit na anong magpapaalala sa akin kay Gabriel.
Tinungo ko ang mahaba at malaking study table nito at may isang parte dito ang natatambakan ng mga sticky notes na may random notes. Curiosity stroke me. I slowly flipped it one by one.
"Let this be a reminder to you."
"Hindi pwede."
"Ang tanga tanga mo."
"Pigilan mo."
"Umayos ka."
"Kaya mo 'yan."
"Okay lang 'yan"
"Hindi ka niya magagawang mahalin."
And the last sticky note said...
"Dahil hindi ka si Isaac."
Tears started to well up in my eyes again.
Hindi doon natatapos ang mga nakita ko, kasi under the piled up sticky note, lies a letter that is so familiar to me.
The letter Isaac gave me few years back. The paper have shown signs na matagal na talaga ito. A bit crumpled, softer and a bit brownish in color.
Binuksan ko ito ulit at dahan dahang napaupo sa sahig. I completely forgot about this already but this letter is the reason why Gab kept those things to himself all this time.
Nilayo niya ang sulat na ito sa akin para hindi na masaktan at para makalimot pero siya ang nagdusa.
My friends said that I do love him. Sabi nila alam ko ang sagot pero bakit naguguluhan pa din ako? Bakit iyak ako ng iyak? Bakit sa tuwing binabasa ko ang sulat ni Isaac lagi na lang ako umiiyak? Pero isa lang ang sigurado ko, I am crying for two separate reasons.
Hindi din naman ako pwede magpakain na lang sa lungkot. I have to do something for myself too. Lalong hindi pwedeng lagi na lang akong clueless.
Some things might hold true, pero may ilang bagay din na masasabi kong huli na.
Andiyan na si Jenny. Ito ang karma ko. Tingin ko it is my turn para magdusa at manahimik.
Pero if loving him would mean that my heart is in pain kapag iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita, that it is not going to be me anymore, that I would see him less often, at nakain na ako ng panghihinayang... well yes, I do love him.
I fixed myself and decided to get that letter back. Ipinasok ko na ito sa bag ko and fixed myself up.
Right on time, paglabas ko ng bahay nila, nag-ring ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Isaac sa screen.
Andaming bumalik na alaala sa isip ko. Naalala ko kung paano ako umiyak kay Isaac, naalala ko kung gaano kami naging masaya kahit papaano noon, not until the sad grad ball event happened. But still, naisip ko din, Isaac came back for a reason. Baka tama nga sila. There are some things na kahit gusto mo, hindi ito laan para sa iyo.
Wala na ring silbi kahit kausapin ko si Gab. Its too late. He started a new life of his own, and I think it is about time that I start mine.
"Hi Isaac. What's up?"
I was already expecting na yayayain niya akong makipagkita sa kanya. Mabuti na lang din makikipagkita siya dahil like I said, I intend to start a new life of my own now. I am convinced na, ito ang reality ng mundo.
I am writer. I should know that –even on a different point of view.
Inisip ko na, masakit man tanggapin na huli na nga ang lahat, at least may natutunan akong lesson from this experience at alam ko, hindi man ito para sa akin, something new and big is coming.
"Okay. I'll see you in an hour."
Sagot ko kay Isaac.
Hindi ko sure kung anong closing remark,
Gelay
![](https://img.wattpad.com/cover/56553327-288-k466265.jpg)
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...