Dear Diary,
Monday na ngayon at lumipas man ang Sunday, hindi naalis sa isip ko ang panggugulo nila sa utak kong kalat kalat na nga. Sheesh.
Sa totoo lang ayoko magsulat ng mga nangyari sa akin ngayon. Lahat kasi hindi maganda. Akala ko since the day na itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa dapat kong pagtuunan ng pansin, kahit papaano eh matatanggap na ng mga fans namin ni Gabriel na hindi kami para sa isa't isa.
Kanina kasing umaga, natagpuan ko ang isa nanamang blue na post it na nakadikit sa locker ko that says, "I am very sorry."
Nagalit na ako this time. Galit na galit in fact. Hindi pa doon nagtapos 'yon. Paglabas ko sa locker room, nakita ko si Gabriel at Steffi –magkasama.
Mabilis akong naglakad palapit sa kanila at sinampal ko kay Gabriel ang blue na post it note at sumigaw, "Ang kapal talaga ng mga mukha ninyo! Tigilan mo na ang paglalagay ng mga 'yan sa locker ko dahil hindi ko kailangan ng sorry mo!"
Galit akong tinignan ni Steffi. Nakipagtinginan ako sa kanya, "Isa ka pa. Akala ko kaibigan kita!"
Mabilis akong pinalibutan ng iba pang mga babaeng nakakita sa ginawa ko kay Gabriel. Ito yung mga die hard fans namin dati. Ngumisi sa akin si Steffi at hindi naman mapakali si Gabriel.
Someone stepped forward. Si Maite from the section B. Ang avid fan ni Gabriel at ang pinaka-matapang daw sa section nila. Nagkrus ang mga braso nito at matalas na tumingin sa akin, "How dare you slap Gabriel like that. Sino ka ba sa tingin mo?"
Nung iba na ang pakiramdam ko, umangil na din ako sa kanila dahil sa itsura nito, they are boxing me in at mukhang pagtutulungan nila ako, "Sino ka rin ba sa tingin mo? Unang una hindi kita kilala at pangalawa, wala akong pakialam sa'yo. Ang alam ko lang, isa kang malaking inggit—"
At isang malakas na sampal ang inabot ko sa kanya. Sa sobrang bilis, hindi ko na nakita kung sino ang sumuntok sa ilong ko pagkatapos. Nahilo ako at napaluhod sa sahig at ilang paa at braso ang nararamdaman kong sumisipa at sumusuntok sa likod ko.
Wala akong nagawa kundi takpan ang mukha ko pero hindi ako papayag na hindi ako lalaban sa kanila.
Unti unting nanlabo ang paningin ko ngunit pinilit kong masipat ang skirt ng sumampal sa akin. Hinatak ko ito dahilan para madulas si Maite. Dali dali akong pumatong sa kanya at pinagsasabunutan siya at inipon ang natitirang lakas ko para masuntok din ang mukha niya.
Pero andami kasi nila. Kahit nakakasampal at nakakasabunot ako kay Maite, kasabay nun ang sabunot at ang mga sipa sa akin ng mga kasama niya.
May tumulo nang dugo mula sa ilong ko at hindi ko na maidilat ang kanang mata ko na nadamay sa pagkakasuntok sa ilong ko kanina.
Pero may isang dumating. Sa nakita pa ng nanlabo kong paningin, may tatlo itong nasipa sa isang bagsak lang ng binti, may tatlong nasuntok sa leeg na mistulang sa isang kumpas lang ng kamay at may bitbit itong arnis na ipinalo niya sa likod at binti pa ng dalawang nakakapit sa buhok ko na pilit akong kinakalbo.
Tinulak ako ng taong "tumulong" sa akin palayo sa pagkakaupo ko sa tiyan ni Maite. Dahil wala na akong lakas, pakiramdam ko ay para akong ihinagis dahil bumangga ang katawan ko sa malamig na pader sabay tutok ang isang arnis na hawak niya sa kaliwang kamay kay Maite at nagsabi, "Subukan mong tumakas. Tatamaan 'yang bungo mo."
Natulala ang ibang babae na nanakit din sa akin na mula sa ibang section habang si Steffi at Gabriel ay wala na sa paligid. Malamang umalis na sila nung nagkaroon na ng commotion.
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...