MNOL 2

93 16 6
                                    

Ian's POV

I woke up early again pero buti nalang wala na yung makulit kong ate. Ah speaking of her, ngayon pala ang alis niya. I took my phone and texted her, baka di ako dalhan ng pasalubong pag di ako nagtext eh.

To: Trisha Maganda {+63912******1}
Ingat sa byahe, panget. Pasalubong ha? Thanks.

Nagreply naman siya agad. Halata talagang hawak-hawak niya yung phone everytime.

From: Trisha Maganda {+63912******1}
Excuse me pero di ako panget. Baka wrong send ka po? Si Trisha Maganda yung natext mo. Char. Thank you bunso. Yung acc ha?

Napasmile naman ako sa text niya. Kaya lang naman Trisha Maganda ang name niya dito eh kasi siya rin nagsave.

Nag-ayos na ako at pumunta sa school kahit maaga pa. Naalala ko kasing may tatapusin pa akong project and ibabalik ko pa yung mga librong hiniram ko sa library.

"Uy, nakita mo yung post ni Ian kagabi? Ampogi no?" rinig kong sabi ng isang babae pagbaba ko ng kotse.

Napaisip naman ako kung bubuksan ko yung accounts ko o hindi. I mean, may benefits naman siguro akong makukuha diba? Social networking sites are very useful, sometimes I also wonder why I don't like using it.

Dumaan muna ako sa library para ibalik yung mga libro at dumiretso na sa classroom pagkatapos.

"Hi, Ian!" bati sakin ng isang babae. Errr, di niya ba napapansin na gumagawa ako ng project?

Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.

"I'm Almira, don't you remember? Classmate tayo noong highschool."

"Ah yes, kilala kita." sabi ko para naman di ako magmukhang suplado kahit sobrang halata naman.

"Di mo pa ba tapos yan? Puro ka kase Twitter at Facebook eh."

"What do you mean puro Twitter and Facebook?" tanong ko. Siguro active si ate kagabi.

"Huh?" nalilito niya ring tanong.

"Ah sige neverm--"

"Hindi, kasi nakita kong madami kang tweeets kagabi tsaka nagpost ka rin ng pictures mo." sabi niya.

"Ah si ate nag--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang may sumingit.

"Why are you talking to him?" tanong niya kay Almira.

"Babe, I told you naman na classmate ko siya nung highschool diba?" sagot naman ni Almira kay Karl na boyfriend niya ata.

"Tama nga pala. Hi Ian." bati ni Karl sakin. Teammate ko siya pero di kami masyadong close, di kasi talaga ako friendly.

"Hello." matipid kong sabi sa kanya.

"Gusto mo sumabay samin mamaya? Pansin ko wala kang tropa eh. Tsaka magkaibigan naman pala kayo ni Almira." sabi niya.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon