MNOL 9

56 10 17
                                    

Ian's POV

"Baby bunso!" sigaw ni ate nang pumasok ako sa bahay.  Aba, ang ingay talaga ng babaeng 'to.

Today is Thursday, ate already arrived kaya dito na ako dumiretso after magpractice.

"Hello ate." sabi ko. Baka magalit pa pag di ko pinansin eh.

"You really opened your accounts ha. Because of that, may pasalubong ka from Korea!" excited niyang sabi sabi at nag-abot ng isang backpack.

"Sari-sari ang laman nyan, labs kita eh." dagdag niya pa.

"Tapos sakin chocolates lang? Aba favoritism." reklamo ni kuya

"Hoy kuya, drama mo dyan? Nasa kwarto yung pasalubong ko sayo, sino ba nagsabi na yan lang?" sabi naman ni ate sa kanya

"Talaga? Bait talaga ng kapatid ko!" sabi niya at inakbayan si ate.

"Oh siya, kain na tayo at baka lumamig na yung mga niluto ko." sabi naman ni mama

"Omg namiss ko mga niluto mo mama!"sigaw ni ate at naunang tumakbo papunta sa hapagkainan.

"Anim na araw ka lang naman nawala ah." sabi ko. Nag roll eyes lang siya at umupo na, sumunod naman kaming apat.

Matapos kumain ay tumambay muna kaming magkakapatid sa sala. Kunwari magbabonding pero ang totoo, nagcecellphone lang talaga kaming tatlo.

"Bunso, musta na?" pagbasag ni ate sa katahimikan. Buti naman may nagsalita.

Di ko sana siya papansinin kasi naghihintay pa ako sa reply ni Alli na hindi pa nagchachat simula kahapon, pero naalala kong ayaw ni ate na iniignore siya.

"I'm fine" sagot ko.

Pero di talaga ako okay, hinding-hindi. Baka kaya hindi nagchat si Alli kasi may iba na siyang kausap, yung mas pogi sa akin.

"Eh yung social life mo?" tanong niya ulit.

"Okay lang din."

"Sabi ko sayo eh, masaya gamitin yun. Nag-iinarte ka pa dati." sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko. Aba!

"Oo na, I enjoyed using it." sabi ko naman sa kanya.

Enjoyed daw pero ang totoo nababadtrip talaga ako kasi di nagrereply si Alli.

"So anong ginagawa mo  dyan? Patingin nga." sabi niya at kinuha sakin ang cellphone.

"Huh? I'm just scrolling, ate!" sabi ko at akmang babawiin sa kanya ang cellphone pero nilayo niya ito.

"Wait lang. Magpopost lang ako." sabi niya. Ano na naman kaya ang ipopost neto?

"Dali, picture tayo. Kuya, lapit." sabi niya at tinawag si kuya. Lumapit naman agad si kuya kaya nagpicture na kaming tatlo.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon