MNOL 44

4 0 0
                                    

Alliyah's POV

Maaga akong gumising ngayon dahil gusto kong paghandaan ang first day ng pagiging legal namin ni Yanyan sa parents ko at syempre pati narin sa school.  At least there's no need to hide from them na diba,  sobrang hirap kaya non. 

"Hoy bruha,  nagmumukha ka ng clown dyan. " sabi ni ate sakin

Ay!  Nakalimutan kong nagmi-make up pala ako.

"Sorry naman.  Happy lang. " sabi ko naman sa kanya

"Aba lumalandi. Walang forever no!"

"Di naman halatang bitter ka ate. "

Palibhasa kakabreak lang sila nung ex niya,  kaya siguro ganyan siya.

"Hindi ganon no. Eh paano kapag iiwan ka din nyan ni Ian?  Nako lagot samin ni Trisha yan. "

"Hahaha, opo.  Kasama niyo din ako,  di ako papatalo no! Pag sinaktan niya ako,  sabay tayong reresbak."

"Ayan, mana ka talaga sa ate mo.  Palaban!" sabi niya at lumapit sakin

"Aba syempre naman ate."

"Oh sige bye!" sabi niya at tumakbo palabas ng kwarto.  Luh?

Magmimake up na sana ako ulit nang mapansin kong wala na dito yung mascara  ko.  Hinanap ko ito kaso wala talaga. Parang andito naman yun kanina ah? Wait...

"ATEEEEE!" sigaw ko nang maalala yung pagtakbo ni ate kanina.  Sabi ko na eh,  napakasuspiscious ng babaeng yon!  Kala ko naman concerned  talaga saken,  ninakaw lang pala iyong mascara ko.

Nagmove on nalang muna ako sa lipstick dahil mukhang wala ring magagawa kung sisigaw ako.  Tinatamad pa akong tumayo eh,  andami ko pang dapat gawin

"Hmm,  ano kaya magandang suotin?" bulong ko sa sarili ko.

Well, activity lang naman ang meron kami ngayon so I can wear whatever  I want.

Kukunin ko na sana yung susuotin ko nang tumunog ang phone ko. Omg,  baka si Yanyan! At di naman ako nadisappoint kase si Ian nga yung tumatawag.

"Goodmorning Yanyan ko!" bati ko agad sa kanya

"Goodmorning Alli ko.  Nagising ba kita?" tanong niya.  Lol,  kanina pa ako gising dahil sa kanya.

"Di naman baby. May ginawa pa akong asisgnment eh,  di ko nagawa kagabi. " sabi ko nalang.  Baka isiping masyado akong excited ngayon eh.

"Ahh, good yan.  Sige na baby maliligo muna ako. Maligo ka na dyan,  ihahatid kita ngayon ha." sabi niya naman. Aaaaah,  excited na ako masyado!

"Sige baby. Ligo weeell. " sabi ko naman.

Nagbihis na ako at inayos ang mga dadalhin kong gamit.  Maya-maya ay lumabas na ako para kumain at para kunin yung mascara ko kay ate. Nako, dagdag ganda points din yon kay Yanyan.

"Oh,  ang aga mo ata ngayon." sabi ni Papa pagdating ko sa hapagkainan.

"Syempre,  excited yan kase dadating yung manliligaw niya. Yiee, pumapag-ibig na yung bunso natin. " sabi naman ni Mama.  Luh siya!

"Ihh, mama naman." sabi ko nalang. Halata naman kasi talaga excited ako.

"Nako,  umayos ka dyan Ross ha.  Unang araw niyo palang ngayon, oobserbahan ko pa yang Ian na yan." sabi ulit ni papa.

"Opo papa. Tsaka nanliligaw palang naman po eh. " sabi ko. Loool, parang ngayon pa nga lang gusto ko ng sagutin si Yanyan.

"Kaya nga,  kilalanin mo muna bago mo sagutin. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon