MNOL 20

38 6 3
                                    

Ian's POV

"Hoy, wala lang bang goodafternoon dyan?" tanong ni ate sa akin nang hindi ko siya pansinin at dire-diretso lang na umakyat papunta sa kwarto.

Hindi ako nagpractice ngayon kaya nakauwi agad ako sa bahay only to find out na nandito pala ang ate ko.

"Paano magiging good ang afternoon ko kung nandito ka sa bahay ko?"

"Heh! Sa ganda kong 'to? Di magiging good ang afternoon mo? Tsk. Ang arte mo, Ian!" sabi niya. Di ko naman siya pinansin at pumasok na sa kwarto.

"Ininvite ako ng kapitbahay mo,8pm daw magsisimula ang kainan dun kaya matutulog muna ako. Wake me up at exactly 7:30 PM ha. Humanda ka pag di mo ako ginising!" sigaw niya mula sa labas. Tss, bahala siya dyan.

Nanood nalang ako ng TV habang nagtitwitter. Sakto namang We Bare Bears ang palabas. Tae naalala ko si Alli. Miss na miss ko na talaga siya. Wala ba siyang balak na bumili ng bagong phone?

Naisipan namang magtweet.

Ian de Guzman @iancharlesdg
Kung tatanungin niyo kung sino ang favorite kong bear, it's not Ice Bear. Hindi rin si Panda at si Grizz, kundi ang nag-iisa kong #1 bear. You know who u r  po. I miss you  :>

 I miss you  :>

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

7:38 PM . 09 Dec 2016

Wait.7:38 PM? Shux kailangan ko ng gisingin si ate!

"HOOOOOY! GISING!" sigaw ko nang makapasok ako sa guest room na kung saan siya natulog. Nagising naman siya kaagad. Phew!

"Ano ba? Required bang sumigaw sa paggising sakin?" tanong niya at bumangon na.

"Anong 'ano ba'? Required no. It's already 7:38." sabi ko.

"Ano?! Diba sabi ko 7:30?!"  sigaw niya.

"Edi sorry?" sabi ko.

"Urgh!"

"Ba't ba kailangan 7:30? Malapit lang naman bahay nila ah." tanong ko sa kanya.

"Malamang magpapaganda pa ako! Now I only have 20 minutes because of you." sabi niya. Magpapaganda lang pala eh.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon