MNOL 40

29 3 4
                                    

Ian's POV

Two weeks and four days.

Two weeks and fours days pa lang pero feeling ko tatlong taon na kaming di nag-uusap ni Alli. Yes, after that blocking incident ay hindi ko na siya nakausap ulit. I used my friends' accounts to chat her pero wala talaga. Siniseen niya lang iyon at ang ending, nablock din sila ni Alli. Kahit account ni mama, ni papa, ate and kuya, pati mga pinsan at sa tita ko. I tried everything to contact her pero wala talaga. In the end, she just deactivated her social accounts.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Naayos ko na ang issue about kay Angela pero di parin siya bumalik. Para akong tanga na naghihintay araw-araw incase bumalik na siya. I can't even focus on basketball. Nagsimula na ang league pero eto ako, iniisip parin kung bakit ako iniwan. Lol, every girl in this school wants me pero nagpapakahirap ako kay Alli.

"Ian, halika na. Galit na si coach." sabi ni Karl na siyang umagaw ng atensyon ko. Lol, nakatulala na naman ba ako kanina?

"Come on, Ian. Magi-isang buwan nang wala si Alli. Magmove on ka na."

"You know it's not easy to do."

Ngayon lang ako nagkaganito. Ngayon lang ako naging masaya. Ito yung sinasabi ni ate na kulayan ko daw ang buhay ko eh, siya na sana ang kulay kaso umalis siya. Iniwan niya ako. And now I'm with this plain black and white life again.

"You're not even trying!"

Why would I? Ayokong magmove on kasi alam kong may chance pa. Hindi ako papayag na iwan ako ni Alli.

"I know there's something wrong.  Di naman pwedeng ganon-ganon lang. She likes me a lot, she loves me. Baka nahack lang ang account niya."

"Kung nahack lang, pwede naman siyang gumawa ng bago at ichat ka pero ginawa niya ba?"

"She loves me." sabi ko at inignore lang ang sinabi niya. Wow, I'm being immature here.

"Hays, tara na nga 'tol. Focus muna sa game ngayon ha? After ng game mamaya tutulungan ka ulit namin na maibalik si Alli." sabi niya. Buti nalang talaga naisipan kong sumabay sa kanila noon, ansaya din pala kung may kaibigan kang mapupuntahan kapag may problema.

"Thanks, bro." sabi ko at sabay na kaming pumunta sa bus.

Nagsimula na ang games nung Monday. Today's January 12 at may game kami laban ang Colts. Hays, nagmeet na dapat kami ni Alli nung Monday pero wala eh. Wala akong nakita na Alli, walang malaking banner. I'm just hoping na sana makita ko siya ngayon. School nila ang makakalaban namin kaya baka manonood siya.

"Galing sa Henderson si Alli diba? Baka manonood siya ngayon." sabi ni Karl sa akin.

"I know. Naisip ko na rin yan." sabi ko sabay smile. Tae, excited na ako. Sana nga pumunta si Alli.

"Tuwang-tuwa ah. Galingan mo mamaya ah." sabi niya naman. Asus, gusto niya lang talaga manalo para pumayag si Almira na magdate sila mamaya eh.

Nang makarating kami sa Henderson's ay malapit nang mapuno ang gym. Kinausap agad kami ni coach pero mas inuna kong hanapin si Alli sa bleachers.

"I miss you Alli. Sana makita kita ngayon." bulong ko sa sarili ko.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon