MNOL 1

134 19 5
                                    

A/N: Read in scrolling mode para mas nice! Thank you.

Ian's POV

I woke up 6:10 in the morning nang makarinig ako ng malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako at binuksan ang pinto only to witness my sister's annoying face.

"What do you need?" I asked her.

"May pasok ka diba? Edi ginigising kita."

"Mamaya pa ang klase ko. Ang sabihin mo nalang, pipilitin mo na naman akong buksan yung accounts." sabi ko. Yan lang naman kasi ang dahilan kung bakit siya pumupunta dito.

"Sige na kasi, Ian! Gawin mo namang makulay ang buhay mo."

"Bilhan mo ko ng crayons, kukulayan ko mamaya."

"Funny yon? Buksan mo na kasi!" Pagpipilit niya. Ewan ko ba ba't pumupunta pa siya dito eh alam niya namang di ako papayag.

"I don't want to, ate."

"Okay fine. Kaya ko naman na ako lang magmanage non."

"Bakit ba kasi?" I asked her. Pwede naman kasing idelete nalang yung account. Gagawa-gawa siya tapos sakin ipapagamit? Very wrong.

"Di ba obvious? Gwapo ka kasi baby bunso. Para mapakinabangan naman yang mukha mo, edi ishare natin sa iba." sagot niya.

"Alam mo namang ayaw kong naiexpose diba?"

"Ayaw daw pero ginagalingan sa academics. Di ka nga nahihiyang umakyat sa stage eh."

Pinabayaan ko nalang siya at dumiretso na sa CR para maligo. Narinig ko namang lumabas siya ng kwarto, akala ko umuwi na siya pero pagbaba ko eh nakita ko siyang nanonood ng TV sa sala.

"I won't use it." Pangunguna ko.

"Ewan ko talaga sayo, Ian. Umalis ka na nga lang." sabi niya.

"Baka nakalimutan mong bahay ko 'to?" sabi ko at lumabas na.

Magdadrive na sana ako nang magtext si ate. 

From: Trisha Maganda {+63912******1}
"Baby bunso, pupunta pala ako sa Korea bukas. I'm not allowed to use phone so open mo na yung accounts mo please. Birthday ko naman next week eh. "

From: Trisha Maganda {+63912******1}
Sige na please. Use it just for one week. Kahit pang birthday gift mo lang sakin?

Bubuksan ko ba yun? Natry ko na kasi dati pero nakakainis kasi andaming notifications. Bahala na nga.

Nagdrive na ako papuntang school and as expected, konti pa lang ang nandito kasi maaga pa. Gusto ko lang talaga makawala sa babaeng yon kaya umalis na ako.

Malapit nako sa building nang may lumapit saking mga babae.

"Ian, papicture naman kahit isang beses lang." sabi sakin ng isa sa kanila. Argh, akala ko makakatakas din ako sa mga babaeng 'to.

"Isa lang." sabi ko sa kanya.

"Yes! Thank you!" sigaw ng isang girl na kasama nila. Kung kanina lima lang yung babae, ngayon sampu na. Ang sikip lang?

Pagkatapos magpicture ay pumasok na ako ng classroom at tinapos yung plate na ipapasa mamayang hapon.

Nang magbreak ay ako lang mag isa ang pumunta sa cafeteria dahil wala naman akong kaibigan dito. I mean meron naman akong kasabay minsan but I prefer to be alone most of the time. Pagkatapos kong bumili ay pumunta na ako sa garden ng school kung saan ako tumatambay. Yes, welcome to my boring life.

-x-x-x
040619

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon