MNOL 41

16 3 1
                                    

Alliyah's POV

Maaga akong gumising kanina para paghandaan ang game na 'to. Colts vs Geckos.

Oh, how I miss my Yanyan. Alam kong ako lang din naman ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon pero masisisi niyo ba ako? Ayoko lang kumapit sa walang kasiguraduhan. Selfish na kung selfish.

It's been weeks since I blocked him and his friends. Nagdeact narin ako pero guess what? Hindi ako makatiis last week kaya gumawa ako ng bagong account at yun ang ginamit ko para istalk siya. Lakas talaga ng tama ko sa lalaking yon. Pati yung ticket para sa game na 'to, last week ko din binili. Ginastos ko na lahat ng ipon ko para lang makapunta dito. Kailangan ko lang talaga siyang makita ngayon. I already told myself na titigilan ko na siya after neto. Titigilan ko na yung kahibangan ko na 'to kasi alam kong hindi naman talaga siya magiging akin. After ng game na 'to, magmomove on na ako. No more Yanyan, no more pain. Yey.

"Ayan na ang Geckos! Omg!" tili ng mga babae sa tabi ko. Mabilis naman akong tumingin sa gate at hinanap agad si Ian.

"Yanyan ko..."

Sa wakas nakita ko na din siya. Nakita ko na siyang nakajersey at makikita ko na siyang maglalaro ngayon. Ampogi talaga ng Yanyan ko. Akin yan dati eh! Kaso hindi sure hehe.

Napansin kong palinga-linga siya sa loob ng gym. Sinong hinahanap niya?

"Oh girl, look! Papalapit si Allyssa sa kanya." sabi ulit ng babaeng katabi ko.

Tumingin ako sa pwesto ni Ian at magkayap na sila ni Allyssa ngayon. Ah, hinahanap niya si Allyssa. Haha, napaka-assuming ko naman. Asa namang hahanapin niya ako diba? Baka nga kinalimutan na ako non.

Hays, tama ba talagang pumunta ako dito? Parang di naman worth it yung pag gastos ko ng ipon ko ih. Hindi ki ginastos yon para makitang magyakapan silang dalawa!

"WOOOOH! GO COLTS!!!" sigaw ko dahil sa galit.

Nagbago na isip ko. Dapat kay Ian ako magchicheer ngayon pero talagang pinapakita niya sakin na pinagtripan niya lang ako sa Facebook kaya nevermind nalang. I hate Ian! Ito na talaga yung last!

Humarap siya sa gawi ko kaya nagtama ang mga mata namin. Oh God, don't be marupok self. Anti-Ian ka na dapat ngayon.

"GO COLTS! KAYA NIYO YAN! COLTS FOR THE WIN!" sigaw ko kahit magkatinginan parin kami ngayon.

Nakakainis. Sana hindi nalang ako pumunta kung yun lang ang makikita ko.

Maya-maya ay nagsimula na nga ang game. Imbis na magfocus sa panonood ay napa-away pa ako. Kainis ba't ba may mga pabida sa mundo? Nakikisawsaw sa usapan!

"Oh? Ba't natahimik ka dyan? Kase totoong weak yung Ian de Guzman na yan!" sabi ko dun sa babaeng nakipagsagutan sa akin. Natuwa naman ako nang natahimik siya. Speechless siya gOrl!

Manonood na sana ulit ako nang may nagsalita at yumakap sakin mula sa likod.

"Baby, nakakasakit ka na ah."

Teka, familiar ang boses niya... Sino 'to? Narinig ko na 'to dati eh.

"Sorry miss, red days ng girlfriend ko eh kaya nang-aaway." sabi niya ulit

Girlfriend? Wala naman akong boyfriend ah. Sino ba 'to? Parang narinig ko na sa... video call! Kaboses niya yung naka-vc ko!

Bigla namang dumoble ang inis ko nang marealize na si Ian lang pala ang nakavideo call ko. It means si Ian 'to!

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon