MNOL 14

48 8 1
                                    

Ian's POV

8 PM na pero di parin ako nakauwi sa bahay. Tae, birthday pa naman ni ate ngayon! Baka magalit yun.

Tumunog ang cellphone ni coach at tumingin siya sa sakin. Ilang segundo pa ay lumapit siya.

"Ian pwede ka nang umuwi." sabi niya. Luh?

"Huh?"

"Pinapauwi ka ng ate mo." sabi niya pa. Tumango naman ako at pumasok na sa locker room para magbihis at umuwi na.


"Happy birthday ate!" bati ko sa kanya nang makauwi ako.

"Uy, you're here na! Yey! Thank you baby bunso!" sabi niya.

"Lol. Di ka kasi makapaghintay, nakakahiya naman kay coach." sabi ko. Si ate pa talaga ang nagpauwi ha.

"Heh! Syempre birthday ko eh. Halika na! May surprise ako sayo!" sabi niya at hinila ako papuntang kitchen. Luh? Siya pa ang may surprise?

"Tadaaa!" sabi niya at dinala ako sa kitchen.

Hah? Saan surprise niya? Sila Mommy at ibang relatives lang naman andito? Wala rin ang favorite kong pagkain. Uhm?

"San ba?" tanong ko.

"Hi Ian!" bati ng isang babae na nasa harapan ko. Sino to?

"Yan. HAHA! Enjoy!" sabi ni ate at umalis na.

"Uhm, hello?" sabi ko sa babae.

"Ang cute mo talaga. Haha. Di mo ko kilala?" sabi niya sabay pacute. Ew.

"Hindi." sabi ko.

"Ako si Allyssa. Haha." sabi niya. Wait, Allyssa Gonzales?

"Ah. Hehe sige, kakain muna ako." sabi ko sa kanya at kumuha na ng plato.

"Sabay na tayo. Kakadating ko lang rin eh." sabi niya.

Err ba't ba siya andito? Ate naman oh, kung sino-sino iniinvite sa birthday party niya.

Di ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain. Pagkatapos ay naghanap ako ng pwesto, malas lang kasi may isa pang upuan na availabe sa tabi ko. Urgh.

"Huy, magsalita ka naman dyan! Friends na tayo diba?" sabi niya. Urgh, tama nga pala.

"Anong sasabihin ko?" tanong ko.

"Uhm, kwento ka naman about sa girlfriend mo!" sabi niya.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon