MNOL 39

20 1 0
                                    

Alliyah's POV

Pagdating ko sa mall ay agad akong nagconnect sa wifi. Naks, eto yung gusto ko sa mall na 'to eh. Malakas ang WiFi nila.

"Ross, di pala tayo nagbreakfeast kanina. Dali kain muna tayo." sabi ni ate

"San tayo kakain?"

"San ba gusto mo?"

"Sa Jobee." sabi ko. Aaaah, Jollibee is the best you know.

Pagkarating namin sa Jollibee ay si  na ate ang umorder ng food at ako naman ang naghanap ng mauupuan namin.

"Oh? Totoo ba yan? Ian is a sweet guy pala." rinig kong sabi ng isang babae nang mapadaan ako sa table nila.

I know maraming Ian sa mundo pero dahil tsismosa ako, umupo ako sa table na katabi ng mga babae na pinag-uusapan si 'Ian'.

"I know right. He's the best boyfriend ever. Shh lang kayo ha." sabi naman ng isang babae. Boyfriend? Hindi siguro si Yanyan yung pinag-uusapan nila. Kaming dalawa lang naman ni Yanyan ang nakakaalam na magjowa kami. Pero magjowa nga ba?

"Angela de Guzman. Hala girl, bagay!"

Nagulat ako sa sinabi nung isa pang babae. Angela de Guzman? Edi si Ian de Guzman nga yung tinutukoy nila.

"True. Who would have thought na magiging boyfriend ko ang isang Ian de Guzman?"

Pagkarinig ko non ay parang tumaas ang lahat ng dugo sa aking katawan. What the hell is this girl saying???? Ian's my boyfriend! Imposibleng maging boyfriend niya si Ian! At tsaka sino ba 'to?

"Haba ng hair ni Angela eh. Hahaha!" Angela? Angela Sophia?

Tinignan ko ang mukha ng sinasabing nilang si Angela. And omayghad! Si Angela Sophia nga. Yung president ng club ni Ian.

"Well, kaya nga naging president eh. Kasi number one bear ako."

What the?! Number one bear siya? Sa pagkakaalam ko ako yung tinutukoy ni Ian sa tweets niya! Ako yung number one bear!

Binuksan ko ang cellphone at pinindot ang Twitter app. Ian needs to know na nagkakalat ng fake news ang president niya.

I was about to message him pero nadistract ako sa tweets na bumungad sakin.

Ianatics @IanDeGuzmanFans
Si Angela Flordeliz kaya yung #1 bear na tinutukoy ni Ian sa tweets niya?

Duh, president lang yun pero ala namang alam kay Yanyan. Ni hindi niya nga nagreet si Yanyan nung birthday niya eh. Sure ako dyan kasi nagstalk ako!

Ian de Guzman OFC @iancharlesdgOFC
LOOK: Ian and Angela have the same necklace! Is it a couple necklace?

Adik!? Bakit may ganyang necklace si Angela? Fyi lang, naunang isuot ni Yanyan yung necklace! Isinuot niya yan sa mismong monthsary namin, wag kayo! Kaka-upload lang ni Angela ng picture niya na may suot na ganon. Malay mo bumili siya ng sarili niyang promise necklace para same sila ni Yanyan at isipin ng tao na sila talaga. Tae talaga 'tong babaeng 'to.

Wendy @WendKlaire
Spotted! Angela and Ian magkatabi sa isang bench! Sinasabi ko na nga ba eh, may something sa kanila buti nalang napicturan ko.

Tae, maissue ang mga tao sa Twitter ngayon! Imemessage ko na nga lang si Yanyan ko.

Magtatype sana ako pero bigla na naman akong natigilan nang magsalita ulit yung isang babae sa kabilang table.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon