Ian's POV
"Ian, iuupload na yung videos mamaya. Maraming salamat talaga ha." sabi ni Angela Sophia sakin.
"Welcome." sabi ko at nagsmile sa kanya.
"Sya nga pala, para sayo." sabi niya at nag-abot ng isang maliit na box sakin.
"Luh? Para san 'to?" tanong ko.
"Wala lang. Gift ko para sayo." sabi niya.
Binuksan ko naman ang box at nakitang necklace iyon. At kaparehas pa talaga sa necklace na binigay ni Alli!
"Geh, alis na ako. Salamat ulit!" sabi niya at tumakbo na paalis.
"Ano yan?" tanong ni Andrei habang papalapit sa akin.
"Necklace." sabi ko.
"Wow naman! Couple necklace yan ah! Kapal niya ha!" sabi ni Almira at lumapit din sakin.
"Babe, pabayaan mo na. Di ka naman inaano eh." saway ni Karl kay Almira.
"Ah basta! Masama talaga feeling ko dyan sa Angela na yan. Feel ko may plano siya eh. Kung ako sayo Ian, layuan mo na yang Angela na yan." sabi niya.
"Bakit ba kasi? Wala akong rason para layuan siya, Almira. Besides, president siya ng fanclub ko kaya bakit ko siya lalayuan?"
"Okay fine! Ikaw bahala! Basta sinabihan na kita."
"Okay."
"Hmp!" sabi niya at nag walk-out. Sinundan naman siya ni Karl.
Seriously, bakit ba ayaw niya kay Angela? Wala namang ginagawang masama si Angela ah.
"Ian." tawag ni Kenneth sa akin. Luuuuuh?
"Why?"
"Sa akin nalang yan. Gagamitin mo ba?" sabi niya. Ano namang gagawin niya dito?
"Huh? Eh kabibigay lang sakin neto eh. Bakit? Gusto mo?"
"Oo. Akin nalang, pwede?"
"Ah hindi. Next week nalang pag nakalimutan na ni Angela ang about dito. Baka hanapin niya sakin eh."
"Hindi yun, akin na."
"Bawal. Next time nalang." sabi ko at nilagay ang necklace sa box tapos itinago sa bag ko.
"Tigas talaga ng ulo mo. Paano ka naging Valedictorian? May pagka-bobo ka din minsan eh."
"Luh gigil mo si Kenneth, Ian! Anong ginawa mo dyan?" sabi ni Andrew at tumawa.
"Ginalit mo si Kenneth, Ian! Hala ka! HAHAHA!" sabi naman ni Andrei habang tumatawa.
Anong meron kay Kenneth ngayon?
BINABASA MO ANG
My Number One Liker [REVISING]
Teen FictionI don't like sharing my thoughts or what I'm doing everyday. I don't like tweeting and even posting status on Facebook. And lastly, I don't like uploading my pictures. In short, I'm anti-social. For others it's social suicide, but for me? It's usual...