Ian's POV
Pagkagising ko ay agad akong bumangon kahit pagod pa ako sa practice kahapon. Syempre, malapit na ang games kaya dapat mag-exercise. May practice parin nga kami kahit Christmas Vacation na, hays this is what I hate about being an athlete.
Kinuha ko ang cellphone ko pati ang earphones. Magsasoundtrip sana ako kaso naalala ko Love at Website lang pala yung music ko dito. Uhm? Bahala nalang, para di ko makalimutan ang theme song namin ni Alli.
Nagjogging lang ako at nang makabalik sa bahay ay nakita kong nagkakape sila mama at ate sa veranda kaya tumabi nalang din ako doon.
"Goodmorning." bati ko sa kanila
"Goodmorning, bunso." sabi ni mama
"Baby bunso, may naisip ako!" sabi ni ate. Luh?
"Syempre may maiisip ka talaga ka kasi meron ka namang utak. Meron nga ba?"
"Meron! Makakapag-isip ba ako kung wala?"
"Ano ba naman kayo, umagang-umaga eh nag-aaway kayo dyan." saway ni mama
"Sorry ma." sabay naming sabi ni ate. Humarap naman siya sakin at nagsalita.
"So ano nga, may naisip ako. Actually di ako ang nakaisip pero basta ganon!" sabi niya.
"Ano nga?" tanong ko. Ang daming satsat eh, pwede namang sabihin agad.
"Since wala ka namang CuriousCat, gawin mo nalang #AskIan." sabi niya. Luh? Ano naman yan?
"Hashtag Ask Ian?"
"Yeah. Magtatanong sila sayo then sasagutin mo. It's up to you kung sasagutin mo lahat or pipili ka lang. You can ignore the others if you want." sabi niya pa. Baka walang kwenta naman tatanungin nila sakin?
"Pwede iignore nalang lahat?" sabi ko.
"Ian." saway ni mama.
"Hehe joke lang, ma. Sige, kailan ba?" sabi ko nalang. Gusto kasi ni mama na maging friendly ako, sobrang suplado ko daw kasi. Err di naman.
"Mamaya?" sabi ni ate
"May practice mamaya." sabi ko
"Edi ngayon na. Pahiram ng phone." sabi niya at akmang kukunin ang phone ko pero nilayo ko ito sa kanya.
"Huh? Pagod pa ako." sabi ko
"Wala ka ng time mamaya kaya ngayon na." sabi niya. Tama rin, busy ako mamaya and for sure pag-uwi ko makakatulog ako agad.
"Wait lang. Wait." sabi ko sa kanya.
Iinform ko muna si Alli, baka magtampo yun pag di siya nakasali.
________________________
alliyah @dksooross_______________________
Alli, may #AskIan daw.
I mean I'll do the #AskIan
BINABASA MO ANG
My Number One Liker [REVISING]
Novela JuvenilI don't like sharing my thoughts or what I'm doing everyday. I don't like tweeting and even posting status on Facebook. And lastly, I don't like uploading my pictures. In short, I'm anti-social. For others it's social suicide, but for me? It's usual...