Ian's POV
Christmas na mamaya pero nandito lang kaming magkakapatid sa sala. Halatang di tumutulong sa magulang!
"Baby bunso, ano gift mo sakin?"
"Wala. Why would I give you a gift?"
"Kasi ate mo ako! You're bad talaga!"
"Ian! Adi! Trish! Sinong available sa inyo dyan? Tulungan niyo ako dito!" sigaw ni mama mula sa kusina.
"Huy, sino daw available!" sabi ni kuya sabay higa sa sofa at nagpanggap na tulog. Tinapon niya din palayo sa kanya yung remote para kunwari kanina pa siya tulog at di siya yung nanonood ng TV. Lul.
"Oo nga ate! Sino daw available?" sabi ko naman sabay kuha sa phone ko at nagkunwaring kausap si Coach.
"Hala! Ewan ko, nagsusuklay pa ako dito oh!" sabi ni ate at sinuklay ang buhok gamit lamang ang kamay niya kasi wala naman siyang dalang suklay.
"Adi! Trish, tulungan niyo ko dito! Ian." tawag ulit ni mama.
Tinignan ko lang si ate na parang pupunta na hindi. HAHA. Pupunta yan, mabait na bata eh.
"Madadaya! Mama oh!" sigaw ni ate at tinuro kami kahit di naman din kami makikita kasi nasa kusina nga si mama.
"Yes coach. Oo. Yes, opo." sabi ko at naglakad-lakad habang nagpapanggap parin. Baka kasi sumilip si mama. Hehe.
Si kuya naman ay humilik ng malakas para siguro prepared na din in case na sumilip si mama.
"Aish!" frustated na sabi ni ate at lumapit sakin.
"Humanda ka sakin!" sabi niya at binatukan ako.
"Aray!" sabi ko. Pinandilatan niya lang ako ng mata at lumapit kay kuya.
"Ikaw rin!" sabi niya at binatukan si kuya. Kinareer naman ni kuya ang pagpapanggap niya kaya di niya ito pumansin.
Pumunta na si ate sa kusina para tulungan si mama kaya umupo na ulit ako sa sofa. Si kuya naman ay nanuod na ulit ng TV. See? Ganyan kabait ang ate ko tapos kami ni kuya, ganito ka-tamad. HAHA.
Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito. Madami ng naggigreet sakin ng Merry Christmas eh hindi pa naman Christmas. Mamaya nalang ako magtitweet ng Merry Christmas.
'D E N @DenalynBaltazar
Kuya, I'm a fan from Visayas po. Gustong-gusto kitang makita kaso sobrang layo niyo po and I can't afford plane ticket. I hope makita talaga kita soon. Merry Christmas po! @iancharlesdg '
Nakita kong tweet sa notifications ko. Wow, nakaabot na pala pangalan ko sa Visayas?
'alliyah @dksooross
Merry Christmas labs q! Wuv u! @iancharlesdg'
Lol. Pwedeng magreply?
Since di naman pwedeng replyan ko ang tweet niya, naisipan ko nalang magtweet lang.
Ian de Guzman @iancharlesdg
#1 bear ko! San na yung gift ko?
5:38 PM . 24 Dec 2016
BINABASA MO ANG
My Number One Liker [REVISING]
JugendliteraturI don't like sharing my thoughts or what I'm doing everyday. I don't like tweeting and even posting status on Facebook. And lastly, I don't like uploading my pictures. In short, I'm anti-social. For others it's social suicide, but for me? It's usual...