Ian's POV
"BRAAAAD! MAGANDANG UMAGA!" sigaw ni Andrew habang papalapit ako sa kanila.
"Anong kailangan mo?" tanong ko. Basta naging mabait sayo ang isang tao, ibig sabihin may kailangan yan eh. Hmm.
"Grabe naman. Bawal na bang bumati sayo?" tanong niya.
"Kahit na. Alam kong may kailangan ka. Spill." sabi ko.
"Haha! Hindi ka talaga pwede mag-artista brad!" sabi ni Andrei kay Andrew.
"Heh. Brad, baka naman..." sabi niya. Pabitin pa.
"Hmm?"
"Pwedeng sabihan mo si Allyssa na hihingi ako ng number ng kaibigan niya. Hehe ganda non eh." sabi niya.
Allyssa na naman?
"Bakit ako? Di kami close." sabi ko.
"Di raw. Brad di mo na kami malilinlang. Love na nga ang tawagan niyo eh!" sabi niya.
Luh? Love?
"What? What do you mean?"
"HAHAHAHA! Ayaw ni Allyssa na iprivate yung relationship niyo eh, Nagtweet kaya siya." singit naman ni Andrei.
"Nagtweet na naman? Andito na ba si Almira?" tanong ko sa kanila.
"Hep hep. I'm here! Bakit?" sabi ni Almira na kakadating lang.
"Dala mo wifi mo?" tanong ko sa kanya. Urgh, she's making me angry.
"Yuh. Pero..."
"Pero?"
"Pero walang load! HAHAHA. Nakalimutan ko kasing magpaload. Mamaya magpapaload ako. Bakit?"
"Wala wala. Nevermind."
Err, ba't ngayon pa walang load ang pocket wifi niya?
"Ano ba tinweet niya? Patingin nga." sabi ko kay Andrew. Nagscroll naman siya sa phone niya tapos ay inabot sakin
"Oh eto."
ally @AllyssaGonzales
Goodmorning love! Ingat ka always. @iancharlesdg7:01 AM . 27 Nov 2016
"Tae, maissue talaga ang babaeng to." sabi ko.
Totoo naman eh. Gumagawa siya ng issue. For sure iisipin ng iba na kami na ni Allysa.
"Bakit naman? Ganda niya kaya. Di ba kayo tol? Siya nalang kasi HAHA"
"Kainis lagi akong sinasama sa tweets niya, feeling close masyado. Wala akong pake kung maganda siya basta ayaw ko siya."
BINABASA MO ANG
My Number One Liker [REVISING]
Teen FictionI don't like sharing my thoughts or what I'm doing everyday. I don't like tweeting and even posting status on Facebook. And lastly, I don't like uploading my pictures. In short, I'm anti-social. For others it's social suicide, but for me? It's usual...