MNOL 42

19 1 7
                                    

Alliyah's POV

Pagkatapos ng game na yon ay nagkabati na kami ni Ian. Kinidnap ba naman ako habang on going ang laro? Nang makita niya kasing umiiyak ako, nataranta siya. Tapos ayon bigla niya nalang akong hinila papunta sa kung saan.

"Gurl, nasa labas daw si Ian!" rinig kong sabi ng kaklase ko

Ian? Ian de Guzman? Paanong nakapunta siya dito?

"Sis, andito si Ian. Dali halika dito!" tawag sakin ng kaibigan ko

Sumunod naman ako agad at laking gulat ko nalang nang makitang papunta sa direksyon ko si Ian.

Omg, ba't siya nandito?

"I-ian..."

Totoo kaya yung sinabi niyang liligawan niya ako? Ghad, akala ko joke lang lahat ng yon!

[[[ F L A S H B A C K ]]]

"Bati na tayo? Gets mo na ba yung explanation ko?" tanong niya

Totoo kaya yung sinabi niya? Na hindi totoong nagkasama sila ni Angela at gumawa lang talaga ng istorya si Angela?

"Pag nagbati ba tayo, pwede na akong bumalik sa loob tapos maglalaro ka na rin?" tanong ko naman. Tae, yun kaya ang pinunta ko dito!

"Of course, my baby." sabi niya naman

"Then fine, bati na tayo. Babalik na ako ah." sabi ko at naunang maglakad pabalik sa gym. Naiilang ako sa kanya ghad.

"Wait! Liligawan kita Alli ko ha?" sigaw niya mula sa likod ko.

Napatigil naman ako at humarap sa kanya. Liligawan niya ako? Wait baka may charot yan sa dulo.

1.....2.....3..... Walang charot?

"Lol. Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko at tumakbo na papasok sa loob.

Imposibleng totoo yun kahit walang charot. Paano niya naman ako liligawan? At bakit niya ako liligawan? Grr, too much bakits.

[[[ E N D O F F L A S H B A C K ]]]

Huminto si Ian sa harapan ko. May dala siyang bulaklak at chocolates. Oh ghad, magiging issue to!

"Good morning mahal ko." sabi niya at inabot sakin ang flowers and chocolates.

Ghad, hangin please! Di ata ako makahinga! Totoo ba to? Omg legit ba talaga yung sinabi niya?

Hoy, mahal ako ni Ian de Guzman?!?

"I-ian..." sabi ko

Seryoso ata siya sa buhay niya gOrl. Liligawan niya talaga akooo! Mahal niya akoooo! Crush ako ng crush kooooo!

Wala sa isip ko siyang hinila palayo sa mga taong nakapalibot samin. Ugh, san kami pupunta?

May nakita naman akong lugar na wala masyadong tao kaya dun ko nalang siya dinala.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko nang makarating kami dito sa garden

"Uhm, courting you?"

"Bakit? Pumayag ba ako?"

"Paano ka papayag kung di naman ako nagpaalam? At wala akong balak na magpaalam kase liligawan kita sa ayaw at gusto mo."

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon