MNOL 28

34 4 7
                                    

Ian's POV

"Ano magandang surprise for monthsary?" tanong ko kay Andrew. Bukas na kasi yung monthsary namin ni Alli pero wala pa akong naiisip na surprise.

"Seryoso ka 'tol? Si Andrew talaga tatanungin mo about sa ganyan? Eh hindi nga umabot ng one month past relationships niya eh!" sabi ni Andrei. Hays, oo nga pala.

"Tama 'tol. Si Karl nalang tanungin mo." sabi ni Andrew.

"Sino ba magmamonthsary? Kayo ni Alli mo? Diba di naman kayo?" tanong ni Andrei. Chismoso talaga oh.

"Luh? Pake mo? Couple lang ba nagmamonthsary? Di naman ah." sabi ko. Diba? Tsaka dun rin naman kami papunta.

"Asus. So monthsary niyo nga ni Alli? Ngayon?" tanong niya.

"Tomorrow." sagot ko. Bukas na. Di ko iniexpect na aabot kami ng one month ni Alli. Lol.

"Omg! Monthsary niyo tomorrow ni Alli?" excited na tanong ni Almira na kakadating lang. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Tignan mo 'to, nag-one month nalang sila ni Alli pero di parin pinapakilala satin." sabi ni Andrew. Asus, required ba?

"Next time na kasi, pag kami na." sabi ko.

"Luh? Kailan pa kaya darating ang araw na yun?"

"Aba

"Ian!" tawag ng isang babae sa akin. Tinignan ko naman kung sino ito pero di ko marecognize. Luh?

"Oh?" tanong ko. Medyo familiar sakin ang face pero di ko alam kung name niya.

"Uhm ano kasi. Ako yung pair mo dun sa research?" sabi niya. Luh?

"Pair? Research?" nalilito kong tanong at inalala ang tungkol sa research na yan. 

Nang maalala ko ay kinuha ko ang isang maliit na papel sa wallet ko. Nagbunot-bunot pala kaming mga lalaki kahapon para sa isang research.

"You're Maybel?" tanong ko. Yun kasi ang nakasulat sa papel.

"Opo." sagot niya. Kaya pala familiar, classmate ko pala siya sa isang subject.

"Ah. Anong kailangan mo? Ngayon na ba tayo gagawa?" tanong ko sa kanya.

"Uhm. Oo sana kasi may gagawin pa ako bukas." sabi niya. Shux, busy pa naman ako ngayon.

"Ah sige. Puntahan nalang kita mamaya. May gagawin pa kasi ako eh." sabi ko nalang. Seriously, what's happening to me? Nahihirapan na akong tumanggi. This is not good.

"Sige. Salamat." sabi niya at umalis na.

Naalala ko naman ang pinag-usapan namin kanina kaya humarap ako kay Karl at tinanong siya.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon