MNOL 18

47 6 3
                                        

Alliyah's POV

"Ross, gising na!" rinig kong sigaw ni ate. Duh, kanina pa ako gising no!

"Dali na, susunduin pa natin sila Ayen sa airport." sabi niya pa.

"Tapos ano?" tanong ko.

"Anong tapos an--

"What I mean is anong gagawin pagkatapos natin silang sunduin? Saan tayo pupunta afterrr?" tanong ko ulit. 

"Sa beach daw." sabi niya.

"Ay yehey HAHA. Sige, ihahanda ko muna TWO-PIECE ko." sabi ko  at tumayo na. Diniinan ko talaga yung TWO PIECE kasi sexy ako ih, ewan ko nalang sa kanya.

"Two piece daw? Maeexpose bilbil mo Ross duh." sabi niya sabay roll eyes. Bleh, pikon.

"Wala akong bilbil no, di tulad ng iba dyan." sabi ko at benelatan siya.

"Wala  daw? Meron kay--

"YANIE! ROSS!" sigaw ni mama mula sa labas.

"Ma, si Alli di pa nakaprepare!" sigaw naman ni Ate. Luh?

"Hala, tapos na kaya! Si ate Ma, tatlo ang bilbil!" sigaw ko rin.

"Hala! Hindi kaya. Siya lang talaga yun--" babanat pa sana si ate pero dumating si mama.

"Umayos kayo dyan ha. 10 AM ang arrival ng pinsan niyo, malayo pa ang airport dito." sabi ni mama sa amin.

"Yes, Ma." sabay naming sabi ni ate. Lumabas na si mama at sumunod naman si ate.

Nakaprepare na naman ako last week pa. Nafeel ko kase eh tsaka ganyan kasi sa pamilya namin, kapag may darating na kamag-anak galing sa ibang lugar, maliligo talaga sa dagat. Sana lang di na kami sa White Beach Resort ngayon, nakakasawa na eh. 

_______________________________________
Ian de Guzman @iancharlesdg 
_______________________________________

Goodmorning Yanynan kooo.

Pupunta pala kami sa beach ngayon. May free wifi naman siguro kaya makakaonline ako. YEYYYY

Tulog ka pa po?

Gising naaaaa, baka malate ka naaaa.

Goodmorning din Alli. Sorry late reply, hinugasan ko pa kasi pinagkainan ko.

Yieeee bait naman ni Yanyan ko! HAHAHAHHA

Ah, ingat ka po. Marunong ka lumangoy?

Syempre naman Yanyan ko! Ano akala mo sakin? HAHAHAHA

Wala lang. Baka kasi hindi.

My Number One Liker [REVISING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon